Chapter Twenty Four

191K 5K 937
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

"UUWI na 'ko. Bati na kami ng Misis ko," paalam ni Johann sa kapatid niya.

            "That's great!" ani Agatha habang hinehele ang bagong panganak na anak nitong si Rainiel. "Basta, Kuya Johann, you're doing good naman. Just be gentle with her. Hindi rin natin masisi si Sapphire. It's her first time to be in love. She's just afraid to lose you."

            Napangiti siya. "Alam ko. Medyo napuno lang siguro ako. Pero, mas hahabaan ko na pasensya ko. Mas mamahalin ko pa siya. Idol kita, eh."

            His sister smiled. "Balitaan mo 'ko kung anong mangyayari, okay?"

            Hinaplos niya ang bumbunan ng pamangkin niya na mahimbing na natutulog. "Sure. Salamat pala sa pag-aasikaso sa'kin kagabi. Nakakahiya naman na nakaperwisyo pa 'ko. Badtrip tuloy si Reeve kanina," hinging-paumanhin niya. Pero natatawa siya. Ang kulit kasi ng mukha ni Reeve ng umalis kanina papuntang trabaho. Parang hindi lang nito nakatabi ng isang gabi si Agatha, eh.

            Magpinsan nga ito at si Sapphire, bilis uminit ng mga ulo.

            "Huwag mo nang alalahanin si Reeve. Magiging okay din siya. Hindi kasi siya sanay na hindi nga ako katabi. Saka nahirapan siyang patulugin si Rainiel kagabi."

            Napangiwi siya. "Sorry talaga, sister. Pagdasal mo 'ko, okay? Pagdasal mo kami ni Sapphire. Nawa'y maging masayang-masaya kami katulad niyo ni Reeve."

            "Anong plano mo pagkauwi mo?"

            "Bubuntisin ko siya," aniya sabay tawa.

            Natawa na lang rin si Agatha. "Ewan ko sa'yo, Kuya. Sige na. Go ahead. Just love her more and everything will follow."

            Tumango siya at hinalikan ito sa pisngi. Grabe talaga kapag dito siya nanghihingi ng advice. Kuma-klaro isip niya. Parang nilinis ng sampung anghel ang madumi niyang utak. Amazing!

            Hinalikan niya sa bumbunan ang pamangkin niya at saka na siya umalis. Pagkasakay niya ng kotse, kumuha pa siya ng litrato ng kamay niya sa manibela. At dahil abot pa ang WI-FI nila Agatha hanggang sa labas ng gate, nakapag-post pa siya sa Instagram account niya na ginawa lang naman niya para malaman ang kalokohan ng mga estudyante niya. Para sa classroom, may pang-asar siya minsan sa mga bata na mahilig mag-selfie.

            Aba't akalain nga namang, sa Instagram pa sila nagkabati ng misis niyang magaganda ang legs? Eh di, uuwi na siya! Go! Na-miss niya rin katabi ang misis niya kahit pa isang gabi lang naman sila nag-away.

            Pero dapat nga ay hindi niya na pinatagal ng ganoon. Masyado lang siyang nagpadala sa emosyon. Di na siya uulit. Kawawa naman asawa niya, eh. Baka umiyak pa nga iyon.

            Tsk. Ayaw niyang isipin na umiyak si Sapphire pero most probably, baka nga. Nako. Babawi na lang siya.

            Kailangan nang malasap ni Sapphire ang isang Johann Anderson.

            Ako na talaga! Galawang Johann, baby!

            Binaba niya na ang cellphone sa katabing upuan at saka nagsimulang magmaneho. Nasasabik siya, pucha na iyan! Nangingiti na naman siya habang naiisip si Sapphire at ang pag-uwi niya sa kanyang home sweet bungalow.

            Kundi pa siya inlove sa misis niyang maganda, eh, ano pang tawag sa kanya?

            Nagmaniobra na siya paliko at palabas ng gate ng village ng mahinto siya. May nakita kasi siyang pamilyar na kotse na nakatirik sa labas ng gate ng village. Pagkakita niya sa babaeng namomorblema, iginilid niya ang sasakyan at saka bumaba.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon