CHAPTER TWENTY-EIGHT
INAASIKASO ni Sapphire ang lifestyle-slash-travel blog niya. Nagsunud-sunod kasi ang email at tawag sa kanya ng mga advertisements sa blog niya. Hindi niya na masyado naaasikaso iyon kaya isang araw ay bumawi na siya.
Nag-asawa lang siya, nakakalimutan niya na ang mga responsibilidad niya. Ang dami pa namang nagbabasa ng mga articles niya. Nakasulat siya ng tatlong blogs at ang topic niya ay si Johann at ang buhay ng isang may-asawa.
Hindi iyon pasok sa mga sinusulat niya dati pero iyon ang nasa utak niya. She enjoyed writing her husband's quirky ways. Naisip niya, blog naman niya iyon. Puwede niyang isulat ang gustong isulat. At isa pa, the fact that she enjoyed writing her experience being a wife to a middle class guy, baka mag-enjoy rin ang mga readers niya.
Pagkatapos niyang ma-post ang mga articles ay saka lang siya naligo. Pupuntahan niya ang underconstruction niyang bookstore. Araw-araw ay pinupuntahan nila ni Johann iyon. Para ma-monitor ang mga nangyayari.
Kalalabas pa lang niya ng banyo at pumasok na sa kuwarto upang makapagbihis nang tumunog ang cellphone niya.
"Hey, pauwi ka na?" bungad niya agad sa asawa.
"Oo. Naka-prepare ka na?"
Napasimangot siya. "Are you mad?" Napakaseryoso kasi ng boses nito.
Hindi ito sumagot.
"Mister?"
"Medyo."
"Why?" she curiously asked. Hindi madaling magalit si Johann. Mahaba ang pasensya ng asawa. Kaya kung galit ito ngayon, malamang ay nasagad ito.
"Magkukuwento na lang ako mamaya. Nagmamaneho ako."
"Alright. Bye."
Pagkababa nito ng tawag ay nagkibit-balikat na lang si Sapphire. Binuksan niya ang aparador at saka namili ng susuotin. Kumuha siya ng mga undergarments. Pagkasuot niya iyon ay humugot siya ng high-waist white shirts at sleeveless orange crop-top.
She applied her beauty regiments before drying her hair. Saktong patapos na siya nang pagpapatuyo ng buhok nang dumating si Johann. Narinig niya ang pagbukas ng gate at ng pinto.
Johann stormed inside their room. "Magbibihis lang ako," anito nang hindi siya tinitignan. Dire-diretso ito sa aparador at humugot ng damit.
She turned off her hair blower. "Why so grumpy?"
Hindi ito sumagot at hinubad lang ang uniporme nito. Nagpunas muna ito ng pawis bago nagsuot ng shirt na may logo ng Superman sa harapan. Pagkuwa'y naghubad ito ng slacks at nagpalit ng maong pants.
She shrugged again. Kung ayaw siya nitong sagutin, fine. Ayaw niya rin itong kulitin dahil magsasalita naman ito kapag gusto nito.
Napapitlag si Sapphire nang ibalibag ni Johann ang pagsasara ng aparador. "What's your freaking problem?" nagulat na tanong niya.
"Badtrip sa school. Pucha." Tinodo ni Johann ang temperature ng aircon at saka nito tinapat ang mukha doon.
"Anong ginagawa mo?"
"Nagpapalamig ng ulo."
Kumunot ang noo niya. "Ano ba kasing nangyari sa school?" Nahawa na tuloy siya sa pagsusungit nito.
"Sampung taon na 'kong nagtuturo at saka nila kukuwestyunin ang kakayahan ko na maging teacher? Ingudngod ko sa kanila ang mastery level ko at nang makita nilang kahit mahinang bata, mataas ang test sa Math kapag ako ang nagha-handle," gigil na wika nito habang nagtatagis ang bagang.
BINABASA MO ANG
The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - Published
HumorNagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo naman sila ni Johann. Excempted ito sa galit niya sa mga kabaro nito. "Friends" naman kasi sila. Han...