Chapter Twenty-Seven

242K 4.8K 520
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

"BULAGA!"

Natatawang hinampas ni Sapphire si Johann sa mukha. Bigla kasi itong lumabas sa loob ng kumot nila.

"You look stupid," aniya at saka gumilid ng higa. Hinila niya ang kumot hanggang sa taas ng hubad na dibdib. "Let me sleep, mister."

"Ha? Maaga pa, ah," angal nito at saka siya hinalikan sa balikat.

"Umaga na!" she emphasized while pointing outside the window.

"Ay." Natawa ito at pinugpog siya ng halik sa pisngi. "Ang bilis ng oras, Misis. Kanina gabi lang kasi."

Napahikab siya at pinikit ang mga mata. A month since their surprise wedding and still parang hindi nauubusan ng energy si Johann sa kama.

Everyday with Johann now was a pure bliss. Naramdaman niya na ngayon ang dapat talagang maramdaman ng mga bagong kasal. And her husband never let any single day to be boring for her.

Kapag pumapasok ito sa trabaho, minsan sinasama pa siya tapos naiiwan siya sa faculty room at siya ang pinagre-record nito ng grades. Ginawa ba naman siyang personal secretary nito?

But it was okay with Sapphire since she enjoyed being with Johann. Hindi na nga sila mapaghiwalay. Kung nasaan siya, nandoon rin ito.

"Thank you," bulong ni Johann maya-maya.

Napangiti siya. Every day, Johann will thank her...

"Thank you for loving me," dugtong nito.

Tinanong niya noong unang araw na nag-thank you ito sa kanya kung bakit ito nagpapasalamat. At ang sagot lang nito,

"Gusto kong malaman mo kung gaano ako kasaya na pinili mong magmahal at ako ang minahal mo. Ang suwerte ko. Tinalo ko pa iyong mga may abs. Ano sila ngayon, ha?"

"You don't have to say 'thank you'."

"Pero gusto ko. Gagawin ko 'to araw-araw. Para hindi ka magsawa sa pagbibigay sa'kin ng pag-ibig. Naks!"

She laughed and kissed him. "I should be the one thanking you. Afterall, you're the one who have done so many things for me."

"Kinikilig ako, Misis. Enebe?"

She rolled her eyes. "Gay."

Ngumisi ito at pumaibabaw sa kanya. "Daanin mo na lang ang 'thank you' mo sa ilalim ng kumot. Okay?" Tinaklob na naman nito ang kumot sa kanila. "Round four! Fight!"

She laughed and wrestle with him under the sheets.

Naramdaman niya ang pagdampi ni Johann sa mga labi niya. "Tulog ka lang, Misis, ha? Mamalengke lang ako."

Dinilat niya ang mga mata. "Ha? Matulog ka rin. Hindi ka pa natutulog. Mamalengke ka pa?"

Bumangon ito at nagsuot ng shorts. "Marami naman akong energy at isa pa, Linggo naman ngayon. Walang pasok. Kaya puwede akong matulog buong araw mamaya." Kumuha ito ng tuwalya at sinabit sa balikat. "Pero ngayon, mamalengke ako. Para mapagluto kita ng masarap na agahan."

Napangiti na naman siya at saka sinubukang bumangon. "I'll come with you, then."

"Sasama ka sa'kin sa palengke? Sure?" naniniguradong sabi nito.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon