Chapter Thirty-Nine

172K 4.4K 424
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE

"GRABE iyon, Misis. As in, bukang-buka! Imagine, iyong ulo ng baby unang lalabas tapos hihilahin kasunod buong katawan!"

Napangiwi si Sapphire sa kinukuwento ni Johann sa kanya. "R-Really?"

"Tunay na tunay! Nanlaki nga mata ko nang pinanood sa'min sa video kung paano nanganganak ang babae sa Bio class yata namin iyon." Pinalaki nito ang mga mata at binuka nang malaki ang mga kamay. "Ganoon pala talaga ka-elastic ang mga...flower ng mga babae. Balde-baldeng dugo pa ang lumalabas."

Nanginig si Sapphire at napayakap sa tiyan niya. Nagsitayuan din ang mga balahibo niya sa katawan. Hindi niya alam kung paanong ang kuwentuhan nilang mag-asawa ay napunta sa panganganak. Bigla na lang detailed nagkuwento si Johann habang naglalakad sila papunta sa Pagsanjan falls mula sa pinag-iwanan nila ng kotse nila.

"Tapos, Misis, sobrang sakit daw bawat ire. Mmmmp!" arte nito na parang umiire at hirap na hirap. "Buti na lang uso na anesthesia. Nakamamatay daw sa sobrang sakit, Misis. Pero kahit daw may pampamanhid, feel na feel pa rin daw. Literal na fifty-fifty chances of winning ang buhay ng mga nanay. Ay, grabe. Ito pa, kapag hiniwa iyong-"

"Sshh!" saway niya na rito habang tinatakpan ang mga tainga. "Napaka-inspirational talagang ng mga sinasabi mo, Nakakatulong talaga sa'kin," sarkastikong wika niya habang matalim na ang tingin rito. "Gusto mong huwag kong ilabas 'tong anak mo?"

Tinakpan nito ang bibig. "Hindi na po."

Tinanggal niya ang kamay sa tainga at napabuga ng hangin. "Ugh! I can imagine the full details because of your creepy story. Damn you." Binilisan niya ang pagsunod sa tour guide na kasama nila.

"Sorry na, Misis. Hinahanda lang naman kita sa katotohanan. Para alam mo na kung anong i-e-expect-"

Hinampas niya ito sa braso. "Hinahanda? You're more on terrifying me! Takot na nga akong maging nanay, tinakot mo pa 'ko lalo kapag manganganak na 'ko. Ikaw kaya manganak?" Hanggang ngayon ay nanayo pa rin ang balahibo niya.

"Kung puwede lang, ano? Aba! Kung puwede lang magbuntis ang lalaki, okay lang.Mas gusto ko iyon..." Inakbayan siya nito at masuyong nginitian. "Aakuin ko lahat ng sakit sa panganganak, huwag ka lang mahirapan."

Akmang hahalikan siya nito nang iharang niya ang kamay sa buong mukha nito at marahang tinulak iyon. "Then you're being sweet now. Nasasabi mo lang iyan kasi hindi ka naman talaga magbubuntis. There's no chance for a guy to get pregnant."

"Oy, kung may genie man o fairy godmother ang magpapakita sa'tin ngayon, iyon ang unang una kong hihilingin."

"Another thing na hindi na naman totoo."

"Hindi ka naniniwala sa mga ganoon? Sa mga magical people?" Inalalayan siya nito nang maging matarik na ang daan pababa.

"What am I? Still a kid?"

"Uy, may duwende!" bulalas nito.

"Ha? Saan?" gulat na tanong naman niya.

Ang lakas ng tawa nito. "Yung totoo? Akala ko ba hindi ka naniniwala?"

"Malay ko ba kung nakakita ka nga?" Pinigil niya ang matawa. "Oh, Johann, you're crazy."

"Pero, eto, serious talk. Nakakita na 'ko ng diwata."

Tinignan niya muna ang mukha nito at mukha ngang seryoso ito. "Talaga?" pakikisakay naman niya.

Tumangu-tango ito. "Sobrang ganda pala talaga ng diwata katulad ng naririnig kong kuwento noong bata ako. Sobrang ganda. Sobra talaga."

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon