Chapter Thirty-Eight

218K 5K 513
                                    

CHAPTER THIRTY-EIGHT

"SINONG buntis?"

"Si Johann," sagot ni Sapphire sa mga pinsan.

Nagtawanan ang mga ito.

"Oh, congratulations to the both of you!" masayang bati ni Crystal Jane. "You both deserved that wonderul blessing."

"How many weeks na pala ang baby?" tanong ni Lavender.

"Four weeks pa lang naman sabi ng OB," sagot niya bago sumipsip ng milkshake na in-order niya. "Hindi nga ako nakaramdam ng signs. Ang normal lang kasi ng takbo ng katawan ko. Wala naman akong nararamdamang iba. Then, last week nga si Johann medyo iba kinikilos lagi. Iyon pala siya ang naglilihi. At parang siya talaga ang buntis!"

Her cousins laughed, again. "Possible naman iyon, eh. 'Symphatetic pregnancy' ang tawag doon, right?" ani Crystal Jane.

"There's such a thing pala?" Haley asked. "Paano nangyayari na ang guys ang naglilihi instead of their wives?"

Crystal Jane shrugged. "No scientific explanation. Pero may mga pamahiin sila katulad ng baka nahakbangan ng wife yung husband niya kaya nalipat sa guy yung paglilihi."

Lavender chuckled. "Crazy folklores."

"Hindi ko naman hinahakbangan si Johann," aniya.

"Puwede rin na sobrang mahal ka ni Johann na siya na umako ng burden ng paglilihi for you. Ganoon din daw iyon, eh," Crystal Jane added.

"Mas magandang paniwalaan iyan," natatawang sabi ni Haley. "Iyon na lang ang isipin niyo, Saphi. How romantic!" kinikilig pang sabi nito.

She rolled her eyeballs and continued sipping her drink.

"Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Lavender.

"I'm happy," sagot niya. "Naiinis lang talaga ako ngayon. Johann canceled our trips. Iyong tinira niya lang ay yung mga trip na puwedeng by road lang. Ayaw niyang magbiyahe kami via planes and ships. Delikado daw sa'kin. Pero nang tinanong ko naman ang OB, okay lang naman daw. Binigyan niya lang kami ng safety precautions."

Nagtalo pa sila ni Johann noong isang araw dahil sa pagpipilit nitong huwag muna silang tumuloy na pumunta sa kung saan-saan. Although, magbabakasyon pa rin naman sila pero around Luzon na lang. Pinagpipilitan niyang kaya pa naman niya at mas magandang mag-travel pa habang hindi pa malaki ang tiyan niya. But she lost the argument. Lagi naman.

"First baby niyo kasi iyan, eh. Kaya nagdo-dobleng ingat lang siguro ang asawa mo," konsula ni Crystal Jane. "Magbabakasyon pa rin naman kayo, Saphi. Sa malalapit na nga lang, yes. Para siguro hindi ka makaramdam ng discomfort sa biyahe kaya ganoon. Ikaw at ang baby niyo naman lang rin naman ang iniisip ni Johann."

"She's right. Ngumiti ka na lang, Sapphire. Travelling can wait. Baby's safety first!"

Napabuntong-hininga siya. Naisip niya rin naman iyon. Pero sayang lang kasi ang excitement niya. Napahawak siya sa manipis pang tiyan. She still can't believe that she's already carrying a life inside her womb.

Kahit pa maka-ilang beses na siyang binati ng mga kapitbahay nila ni Johann sa tuwing lalabas siya, hindi pa niya iyon ma-absorb lahat. Pero sa nakikita niyang thrill at happiness sa mukha ng asawa, talagang totoo ang lahat. Buntis na siya... Magkakaroon na sila ng anak...

"Hey, I have to go," paalam ni Lavender sa kanila. "Hinahanap na 'ko ng manager ko. May bagong TVC yata ako na gagawin."

Lavender's a covergirl and a commercial model. Lagi na rin itong abala ngayon dahil nagsunud-sunod ang projects.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon