Chapter Twelve

233K 5.3K 615
                                    

CHAPTER TWELVE

PARANG batang napatili sa saya si Sapphire nang makita niya ang buhangin at ang mapayapang dagat.

            Kailan ba siya huling nakapag-beach? Masyado na atang matagal at sobra siyang nasabik nang makakita ulit ng dagat.

            She raised her hands and closed her eyes. Pinakiramdaman niya ang sariwang simoy ng hangin. Pinakinggan niya ang mga alon ng dagat. Ah! Kahit papaano ay masaya talagang malayo sa polusyon at ingay ng Manila.

            "Psst! Misis, mamaya mo na i-appreciate ang nature. Tulungan mo muna akong ibaba ang mga gamit natin."

            Nilingon niya si Johann na parang pagod na pagod habang buhat ang bag nito at hila-hila ang malaki niyang maleta. She make face. "You know, Mister, puwede mo namang iutos iyan sa mga helpers diyan. Hindi kailangang tayo ang gumawa. Remember, nasa beach house tayo ng grandparents ko kaya maraming magsisilbi para sa'tin."

            Bigla nitong binaba ang mga gamit. "Hindi mo naman agad sinabi. Nagpakahirap pa 'ko bitbitin 'tong mga gamit natin."

            "Who told you ba kasi to carry all our things?" Humarap ulit siya sa dagat. She inhaled the fresh air. Buti na lang talaga at napilit niya si Johann na sa beach house na lang ng mga Monteverde i-celebrate ang birthday niya.

            Bahay-bakasyunan talaga ang beach house ng mga Monteverde sa Batangas. Pero sila lang ng mga pinsan niya ang laging may privilege na gamitin iyon. Kompleto sa facilities ang beach house at hindi lang "house" ang nakatayo kundi isang malaking mansyon talaga. Kahit walang nakatira, marami pa ring mga katulong na nagme-maintain ng bahay.

            "Señorita! Maligayang pagbabalik po!" humahangos na bati sa kanya ni Manang Berta—mula pa pagkabata niya ay mayordoma na ng beach house.

            "Hi, Manang Berta! You look great! How's the whole property?"

            "Maayos naman po. Patuloy ang pagmimintina. Lalo na at sobra-sobra ang iniwang pamana ni Donya Mercelina para mapanatiling maganda ang buong lugar," sagot nito at saka napatingin kay Johann na mukhang nag-e-enjoy na rin i-appreciate ang nature.

            "Siya na po ba ang napangasawa niyo, Señorita?"

            She rolled her eyes. "Unfortunately," pabulong niyang sagot at saka hinila si Johann sa tabi niya. "He's Johann Anderson, Manang."

            "Anderson? Hindi ba't iyon din ang apelyido ng napangasawa ng Señorito Reeve?"

            "Yes, Manang," sagot niya. "Kapatid siya ni Agatha."

            "Hi, Manang! Kumusta po?" nakangiting bati ni Johann at saka kinamayan ang matandang kasambahay.

            "Aba't kagandang lalaki mo pala, hijo. Sa nakuwento sa'kin nitong si Señorita, hindi ka da—"

            Mabilis na natakpan ni Sapphire ang bibig ni Manang Berta. "Handa na po yung rooms namin, Manang?"

            "Ah, oho, Señorita. Malinis nang lahat at puwede nang ilagay ang mga gamit niyo. Señorito Johann, ikinagagalak ko po kayong makilala."

            Natawa si Johann. "Ang sosyal talaga ng datingan ng señorito-señorita na iyan. 'Johann' na lang po ang itawag niyo sa'kin. Hindi naman po ako mukhang señorito, although, I undestand na pang-mukhang mayaman talaga ang mukha ko. Pogi problems."

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon