Epilogue

270K 6.6K 2.2K
                                    

EPILOGUE

"WHERE are we going ba kasi?" tanong ni Sapphire kay Johann habang kinakapa-kapa ang dinadaanan.

She was blindfolded by Johann. Hindi niya alam kung anong gimik ng asawa niya ngayon sa first year anniversary nila.

"Sige lang, dire-diretso lang. Huwag ka mag-alala, hindi naman kita itutulak sa bangin," anito habang nasa likod niya at hawak siya sa balikat.

May narinig siyang pagbukas ng pinto at kasunod niyon ay ang marahang pagtulak ni Johann sa kanya papasok sa isang malamig na lugar.

Malakas ang pagkabog ng puso ni Sapphire at pinipigilan niya ang mapangiti. She's really excited! The level of her anticipation was so high. Ngayon pa lang, masaya na siya dahil mukhang pinaghandaan siguro ni Johann ang anniversary nila kahit pa nagkasabit-sabit sila sa gulo last week.

"Ayan. Dito ka lang, Misis, ha? Sige."

"Huh? Wait!" Kinapa-kapa niya ito pero wala na ito sa likod niya. "Mister!"

"Puwede nang tanggalin ang blindfold!" sigaw nito na mukhang nakalayo na.

Tinanggal niya nga ang piring sa mga mata. Pagdilat niya ay sobrang dilim! Pagkuwa'y tinapatan siya ng spotlight! Tinakpan niya ang mga mata at pumikit-pikit para makapag-adjust sa ilaw.

"Johann?" Nagpalinga-linga siya ngunit wala talaga siyang makita sa paligid niya, except the spotlight from the ceiling.

Bigla siyang napatingin sa harap niya dahil may picture na galing siguro sa isang LCD ang lumitaw doon.

Napangiti siya. It's their wedding picture-iyong original na kasal nila. Nakangiti siya nang sobrang tamis doon dahil ang alam niya ay iniisip niyang makukuha niya na ang mana niya sa kanyang yumaong Lola at makakapagpatayo na siya ng bookstore. Si Johann rin ay malaki ang pagkakangiti. Iniisip siguro nito ang legs niya.

Natawa siya sa naisip nang biglang may narinig siyang boses galing sa video.

"Isang araw, lumabas ako ng bungalow ko pagkatapos ng dalawang linggong sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho ko dahil... na-basted ako."

Si Johann ang nagsasalita!

"Inaya ako ng kapatid ko na mag-lunch sa kanila dahil nandoon din daw ang mga pinsan ko at nandoon din daw ang mga pinsan ng asawa niya. Dapat hindi ako pupunta. Lagi ko namang nakikita ang mga pinsan ko. Pero, biglang lumitaw sa isip ko ang isang Monteverde na nakikita ko na noon-noon pa. Tumatak siya sa isip ko dahil maganda ang legs niya."

Napalitan ang picture ng picture niya na naka-mini-summer dress na kuha pa three years ago. May lumitaw na arrow sa picture na nakaturo sa legs niya.

"Dahil kagagaling ko lang sa heartbreak, maganda sigurong distraction ang maaliw naman ako at kapag nakita ko siguro ang babae, mapapangiti ako."

Sumunod na lumitaw ang picture niya na naka-close up at matamis na nakangiti.

"Ang ganda niya, ano? Sapphire Danaya Monteverde. Siya iyan! Hindi lang maganda ang legs niya, maganda rin talaga siya. From head to toe. Kaya sabi ko, kailangan kong makakita ng maganda baka sakaling makapag-move on!"

Natawa siya. "Crazy."

"Pero joke lang iyon. Parang gusto ko lang talaga siya makita kahit tinatarayan ako. Man-hater daw kasi. Nang makita ko siya, seryoso 'to, di na 'ko nagbibiro...nakalimutan 'kong brokenhearted ako. Dahil pagkatapos parang mamatay ang puso ko, nang nakipagkamay ako sa kanya, tila bumagal ang oras at narinig kong muling nabuhay ang puso kong bigo. Parang, isa siyang dasal na ibinigay sa'kin ng Diyos. Kung hindi si Czarina, puwede bang sa susunod na tumibok ang puso ko, tumibok na ito sa babaeng mamahalin ako hanggang sa paggunaw ng mundo?"

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon