Chapter Forty-Two

143K 4.1K 585
                                    

CHAPTER FORTY-TWO

RAMDAM ni Sapphire ang tensyon sa pagitan nina Johann at Rafael habang nasa kalagitnaan na sila ng tanghalian. Ngunit nanatiling tahimik ang dalawa. Mas madalas ay silang dalawa lang ni Sylvia ang nag-uusap.

            Ngunit kahit ganoon ay malakas makaramdam si Sapphire. Lalo na at napapansin niya ang talim ng tingin ni Rafael kay Johann.

            Nasa isip ni Sapphire, subukan lang talaga ng Rafael na ito na kantiin si Johann, nakahanda na ang mga kamao niya. But her precious hands would be dirty. So, baka tawagan niya na lang lahat ng connections na mayroon siya at saka ipapa-salvage ng palihim ang lalaki.

            You're crazy, Sapphire. Oh, things we do for love...

            "So, Johann, what do you do for a living?" tanong ni Sylvia kay Johann.

            "Nagtuturo ako," nakangiting sagot ni Johann.

            "You're a teacher?" Rafael boredly asked.

            "Licensed by PRC pa," sagot naman ni Johann. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti.

            "Teacher ka lang?" napangisi si Rafael na parang nangmamaliit. "How much salary are you getting from that job?"

            "Teacher 'lang'?" sabat ni Sapphire. "Excuse me, Mr. Velasquez, hindi ni-la-'lang' ang ganoong profession," she said in her sweetest and calm tone. Kahit nanggigil siya sa pagmumukha ng lalaki ay dapat mapanatili niya ang class niya. "And besides, my husband is a regular professor in a prestigious university like UP. At the same time, he also teach in highschool. Johann teaches Math—that one subject hated by many but only true smart people would understand. Are you good in Math, Mr. Velasquez?"

            Nakita niya ang sandaling paggalawan ng muscles nito sa mukha at akmang sasagot ito ngunit sumabat na rin si Sylvia.

            "Good in Math or not, hindi naman na mahalaga. Afterall, in reality we don't really use it more often. Like finding 'x' and 'y', the area of a cone, and plotting in a cartesian plane," sabi pa ng dati niyang kaklase.

            Gusto sanang tumawa ni Sapphire. Nasasabi lang iyon ni Sylvia dahil noong highschool sila ay lagi itong mababa sa subject na iyon.

            "Hindi nga natin nagagamit iyon na 'iyon' mismo," wika naman ni Johann. "Ang application naman ng tinuturo ng Math ang ginagamit sa buhay. Katulad ng paghahanap ng 'x' and 'y'. Oo, hindi naman na tayo kailangang mag-solve ng ganoong literal na Math problem. Pero kaya siya tinuturo para maintindihan natin na sa totoong buhay, maraming problema ang darating at para masolusyunan mo iyon, kailangan mong matutunan na gamitin lahat ng 'given'—o lahat ng mga resources na mayroon ka para makalagpas ka sa pagsubok na iyon," Johann patiently explained.

"Sinasabi rin ng Algebra na sa isang problema puwedeng maraming solution o puwedeng isa lang. Kaya kailangan mag-iisip kang mabuti sa solution na gagamitin mo sa real life problem para maiwasan mong magkamali."

            Napangiti si Sapphire ng matagumpay nang makita niyang wala nang ibang masabi ang mag-asawa na katapat nila.

            Tumikhim si Rafael. "Too much for a preach. Anyway, is your salary enough for the two of you?  I don't mean to offend, Johann. But you're wife was from a high class family. High-maintenance, isn't she?"

            Nangati ang mga palad ni Sapphire. Aba't parang hindi naman proper na itanong iyon? Pero halata namang nananadya ang Rafael na ito na isukol si Johann. Walang hiya!

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon