Chapter Forty-Seven

209K 4.2K 545
                                    

CHAPTER FORTY-SEVEN

NAPAUNGOL si Sapphire nang marinig ang pag-iyak ni Isaiah. Parang gusto niya na ring maiyak dahil pagod na pagod na siya, at gustung-gusto niya ng dire-diretsong tulog ngunit hindi puwede. Kailangan niyang bumangon para patahanin ang two-week old nilang anak.

Kahit mabigat ang katawan ay bumangon siya, dinilat ang mga mata na gusto ulit na bumagsak, at saka tumayo palapit sa crib ni Isaiah.

Pagkabuhat niya sa anak ay parang mababali ang mga nanghihina niyang braso. For a normal baby, Isaiah sure was bouncy! Masyado itong mabigat sa timbang na 8.7 pounds nang ipanganak niya ito two weeks ago.

Johannes Isaiah M. Anderson, they named their first born. Obviously, sinunod nila ang first name nito sa pangalan ni Johann. Habang ang "Isaiah" naman ay suggested name ng mga biyenan niya. Dahil parehas naman nilang nagustuhan ni Johann na galing sa Bible ang pangalan ay iyon ang napagpasyahan na second name.

Oh, Isaiah was wonderful. Worth of all the pain she'd been through during her pregnancy and the day she gave birth to him. Pagkagising niya pagkatapos manganak ay ito agad ang bumungad sa kanya habang karga ni Johann.

Isaiah made her smile and cry in happiness. At nang una niya itong kargahin, mabigat na talaga ito ngunit maliit. Natakot pa siya nang una. But then, he fitted perfectly inside her arms. And when she first breastfeed him, naramdaman niya ang tunay na koneksyon na mayroon sila ng anak. She's the one nurturing him, she needs him to live, he is truly hers. Now, she undestands why babies are called a "bundle of joy" because Isaiah brought more shades of happiness in her life.

Mas lumakas ang pag-iyak ni Isaiah kaya mas inayos ni Sapphire ang pagkarga rito. Dinilat niya ang mga matang napapapikit at saka hinele ang bata.

Although, Isaiah is very cute and lovable, he's also a pain in the ass. Reality check lang, mahirap talagang mag-alaga ng baby. Sobrang hirap. Katulad ngayon, simula nang manganak siya, wala na siyang mapayapang tulog sa gabi.

"Why won't you stop crying, baby?" bulong niya sa anak habang marahang niyuyuyog ito para tumahan. "Nanay is already sleepy and tired and weak. Please, baby Isaiah...tahan na... sshhh..."

Ngunit mas lalong pumalahaw ng iyak si Isaiah. Napalingon siya sa kama dahil baka nagising si Johann. Pero nanatiling tulog ito, pagod rin kasi sa pag-aalaga buong araw.

Alas-tres y medya pa lang nang madaling araw. Wala namang pasok si Johann bukas dahil nagbago na ang academic calendar ng UP. It was shifted to August kaya nag-uumpisa pa lang ang summer vacation para rito. But still, may summer Math classes itong tuturuan by next week.

For the past two weeks since she gave birth, si Johann ang nag-aasikaso kay Isaiah. Siya, laging natutulog at nagpapahinga. Pero kahit anong gawin niyang tulog at pahinga, parang lagi pa rin siyang pagod. At ramdam ni Johann iyon kaya ginigising lang siya nito kapag kailangan nang mag-breastfeed ni Isaiah. After that, she'll go back to sleep.

But after a week, naawa naman na siya dahil puro si Johann ang gumagawa ng lahat ng bagay-from the house chores, to the cooking, to taking care of the baby and her. Hindi naman ito umaangal o nagpaparinig, pero ramdam niyang nahihirapan rin ito. For the past eleven months they have been together, natutunan niyang makiramdam rito kahit hindi ito magsalita.

This week, inasikaso niya ang bookstore niya na magbubukas na by next month, kasabay ng birthday niya. Kahit wala namang nakaka-stress dahil maganda at smooth naman ang opening plan, still nakakaramdam pa rin siya ng anxiety. Sabi ni Johann, baka lang daw kinakabahan siya sa pagbubukas ng bookstore niya kaya ganoon.

Anyway, hati na sila ni Johann sa oras na pag-aalaga kay Isaiah. Pero kaninang umaga ay si Johann na naman ang nag-consume ng lahat ng responsibilidad dahil nag-orient siya ng mga bagong staff na magta-trabaho sa bookstore niya pagkabukas niyon. Nakipagmeeting din siya sa iba't ibang publishers na gustong magpasok ng product sa bookstore niya. Pagkauwi niya kanina, sobrang pagod na siya at nakatulog agad na hindi na siya nagkaroon pa ng bonding time kasama sina Johann at Isaiah.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon