CHAPTER THIRTY-TWO
HUMINTO ang kotse ni Johann sa tapat ng bahay nila. Hindi muna agad bumaba si Sapphire. Kanina pa sila tahimik sa loob ng kotse habang pauwi kaya sigurado siyang may problema na naman sila."Johann—"
"Bumaba ka na, Misis. Kailangan ko nang pumasok sa trabaho," mahinahong sabi nito.
She sighed. "I'm really sorry."
"Mamaya na ulit tayo mag-usap kapag malamig na ulo ko." Lumapat ang labi nito sa pisngi niya. And that was the first cold kiss he gave her.
Wala nang nagawa si Sapphire kundi ang bumaba ng kotse. Umalis si Johann na hindi sila okay. That kept her distracted the whole day.
Siya na naman ang mali. Lagi na lang na siya ang may kasalanan sa tuwing mag-aaway sila ng asawa.
Tuluy-tuloy siyang pumasok sa kuwarto at humiga sa kama. Niyakap niya ang unan at sinubsob doon ang mukha. Hindi na muna siya pupunta sa construction site ng bookstore. Hindi na rin muna siya magsusulat ng article para sa blog niya.
Nagsinungaling siya kay Sylvia kanina tungkol sa kotse dahil nasa sistema niya na ang laging magpa-impress. Kabilang siya sa buena de familia. Hindi naman sa kinahihiya niya ang kotse ng asawa niya, pero hindi niya lang mapigilan kaninang magsinungaling.
Well, mayroon naman talaga siyang latest model ng Mercedez-Benz na kotse. Palihim na binili niya last week at itinago sa mansyon. Regalo niya sana kay Johann sa darating na Pasko.
Nagsinungaling ka pa rin, Saphi.
Yeah, right. Ayaw lang naman niya kasi na kapag nalaman ng dating kaklase niya na gumagamit siya ng kotseng outdated na ang model ay i-tsismis pa siya ng mga iyon sa ibang kakilala. Baka isipin ng mga itong naghihirap siya o kaya ay nawawalan na ng ka-sosyalan. Ganoon pa naman sa mundo nila. Kung hindi tungkol sa negosyo, politika, at kayamanan ang pinag-uusapan, they tend to talk about other people's lives. Well, hindi naman siya mahilig maki-tsismis sa buhay ng ibang tao dahil wala nga siyang pakialam sa mga ganoon. Pero ayaw rin naman niya na siya ang maging "talk-of-the-town".
Sa pag-iisip niya nang pag-iisip ay hindi niya na namalayan na nakatulog na siya. Naalimpungatan siya pagkadating ng hapon. Kumain lang siya ng late lunch at saka bumalik sa higaan. Nag-isip ulit at nakatulog na naman. Nagising na lang ulit si Sapphire nang marinig niya ang tunog ng sasakyan ng asawa.
Pagkatingin niya sa orasan ay alas-siyete y medya na pala! Napabangon siya, mabilis na nag-ayos, at saka lumabas ng kuwarto para salubungin ang asawa. Nang makita niya si Johann sa labas ng nakabukas ng pinto ay basang-basa ito!
"Johann?"
Napaangat ito ng tingin mula sa paghuhubad ng sapatos. Tipid itong ngumiti. "Puwedeng paabot ng tuwalya?"
Agad naman siyang bumalik ng kuwarto at kinuha ang tuwalya nito. Binalikan niya ito sa labas ng pinto. Basang-basa talaga ito at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok at damit nito.
"A-Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya.
Pinunasan nito ang buhok gamit ang tuwalya. "Umulan ng malakas kanina. Tapos nang pauwi na 'ko..." Napabuntong-hininga ito at napatingin sa kotse na naa-park sa garahe. "Tumirik iyong sasakyan sa gitna ng daan. Napilitan akong lumabas ng kotse, tinulak ko sa gilid kasi nakakaabala ako ng ibang motorista."
BINABASA MO ANG
The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - Published
HumorNagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo naman sila ni Johann. Excempted ito sa galit niya sa mga kabaro nito. "Friends" naman kasi sila. Han...