Chapter Thirty-Four

189K 4.2K 261
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

"THANK YOU po sa pagdalaw, Mommy," nakangiting pasasalamat kay Mercy ng manugang niyang si Johann.

Nginitian niya ito at tinapik-tapik nang marahan sa balikat. "Magpagaling ka agad, alright?"

"Gagaling po agad ako. Magaling po yata mag-alaga ang anak niyo!" magiliw na sabi nito bago bumaling sa anak niyang si Sapphire.

"Tulog ka lang naman ng tulog buong maghapon," her daughter said. "Kaya wala rin naman akong masyadong ginagawa."

"Inaayos mo higaan ko, pinagsisilbihan mo 'ko ng pagkain, inaalalayan mo ko sa banyo, binabantayan mo oras ng pag-inom ko ng gamot, inaasikaso mo ang mga bisita ko para sa'kin, pinupunasan mo 'ko at pinapalitan ng damit... oo nga, wala ka ngang ginagawa," natatawang saad ni Johann.

"Gosh, I did all that?" gulat na sambit ng anak niya. "I'm not aware. It was just normal. I am your wife, anyway."

"Nakakatunaw ng puso ang pag-aalaga mo, Misis. Halika rito, kiss kita."

Inirapan ito ni Sapphire. "Kiss your face."

"Uyy, nahihiya sa harap ni Mommy."

Mercy chuckled. "Oh come on, hija. Kiss your husband. Kunwari ay wala ako rito."

"Mommy! Hindi ako nahihiya, ano." Humalukipkip ito at lumapit sa kanya. "Anyway, buti nakauwi ka na from your vacation with your boyfriend at nakadalawa ka rito.

Hinaplos niya ang buhok ng anak. "Buti nga kamo at nakauwi na kami. Kung saan-saan naman kasi ako dinadala ni Arthur. He's an adventurer!" tukoy niya sa kasintahan na mas matanda lang sa kanya ng apat na taon. Galing rin sa maimpluwensiyang pamilya. Biyudo at may dalawang malaking anak na tanggap naman siya bilang kasintahan ng tatay ng mga ito. "You know, Saphi baby, I think I finally found 'the one'. Si Arthur. He's really serious in our relationship."

Inikot ni Sapphire ang mga mata. "Of course, Mom. Lagi mo namang nakikita ang 'the one'," sarkastikong sabi nito na ikinatawa lang niya. "Lahat naman ng naging boyfriend mo, sinabihan mong 'the one'."

"But Arthur's different," depensa niya pa. At iba talaga sa mga naging kasintahan niya ang lalaki sapagkat si Arthur ang pinaka-responsable, pinakamasiyahin, at pinaka-mature sa lahat ng naging boyfriends niya for over twenty-something years.

"They are all different."

Natawa si Johann. "Ang nega mo talaga, Misis. Kita mong masaya si Mommy, binabara mo."

Sapphire pouted. "Whatever."

Naiintindihan niya ang pagsisintir ng anak. Nito lang sila naging open sa isa't isa ng anak niya. Ilang beses na daw siya nitong nakitang umiiyak dahil sa mga past boyfriends niya na kung hindi siya niloloko ay iniiwanan naman siya ng walang pasabi.

Ngunit hindi naman siya umiiyak noon for a failed relationship. Nasasaktan lang siya dahil sa mga nagdaang lalaki sa buhay niya, walang gustong tumanggap kay Sapphire bilang parte niya. Noong bata pa si Sapphire, lagi silang "package deal" ika nga. Kung gusto siyang pakasalan ng kasintahan niya, dapat ay isasama niya ang anak kung saan man siya dalhin ng mapapangasawa. Pero lumaki na ang anak niya at nagkaasawa na, she never made it to the altar.

Anyway, she's just forty-six years old. Maybe, she can still get married lalo na at nagpaparamdam na si Arthur ng hangarin nitong pakasalan siya. And Sapphire's stable now with Johann. Masaya na anag anak niya at sinigurado nitong hindi niya na itong kailangang intindihin kapag nakikipag-relasyon siya. Kumbaga ay wala na ang "package deal". Tanggap man daw ito o hindi ng taong pakakasalan niya, ayos lang daw.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon