Chapter Twenty

221K 5.6K 1.2K
                                    

CHAPTER TWENTY

"HINDI mo pa 'ko mahal pero kung makatili ka kanina sa loob ng kotse, para kang nanalo sa lotto?"

Inirapan ni Sapphire si Johann. Pagkatapos nitong magtapat kanina na mahal na nga daw siya nito, totoo naman kasing nakaramdam siya ng pagkiliti sa kanyang puso. Yes, she felt so happy.

Pero, hindi niya inamin na mahal niya na rin ito. Naisip niyang itago muna. Sandali lang naman. She just wanted to feel... Being chased, possessed, loved... Oras na umamin siyang mahal niya na ito, baka magsawa ito sa kanya.

Just like her mother's ex-boyfriends always did to her mom.

Tinapos na ni Sapphire ang pagkain. "Akala ko ba hahayaan lang natin maging natural ang mga bagay? That we don't have to make it fast? Kasalanan ko ba na mas nauna kang nahulog?"

Tinitigan siya nito at saka nagkibit-balikat. "Hindi naman kita minamadali, Misis. Basta, mahal na kita. Bahala ka nang mag-handle ng kilig sa mga susunod na araw." Johann grinned from ear to ear.

"What are you going to do na hindi mo pa nagagawa?" nagtatakang tanong niya.

"Marami pa. Kapag may mahal ako, hahanap at hahanap ako ng isang libong bagay na puwede kong gawin, maparamdam ko lang sa kanya ang pagmamahal 'ko." He stared straight into her eyes. "Gagawa at gagawa ako ng maraming bagay, masiguro ko lang sa taong mahal ko na siya lang. Ikaw lang... masayang masaya na ang puso ko. Ikaw lang, Misis, buhay na buhay na ang katawang lupa ko."

She chuckled. Damn Johann. So cheesy and sweet! "Ganoon ka magmahal?"

He leaned close to her. "Ganoon dapat magmahal lahat. Sumobra man, at least, hindi dapat kulang. Sa kaso ko, mahihiya ang Anggat Dam dahil sa pagmamahal ko."

"Bakit?"

"Dahil mas mag-uumapaw sa kaligayan ang puso mo sa hatid nang tunay kong pag-ibig sa'yo." Napahawak ito sa sariling ilong. "Sandali, ang deep ko. Nosebleed. Pucha, ako ba 'tong nagsasalita?"

Napailing-iling siya pero hindi niya maitatangging touch na touch ang puso niya. "So gay of you, Mister. Yeah. That's you." Napangiti siya at saka tumayo.

Hindi na pinigilan ni Sapphire ang sarili. Lumapit siya kay Johann na nakaupo at nakatingala sa kanya. Yumuko siya. She cupped his face and kissed him.

"Isa pa," nakangiting hirit nito pagkatapos niyang humalik. Hinuli nito ang baywang niya. And she found herself sitting on his lap and kissing him torridly.

Parehas silang hingal nang maghiwalay ang mga labi nila.

"Hindi mo pa ko mahal nang lagay na iyan, huh?" he teased.

She just smiled. She does not feel saying those three words yet. Not now. But she can make Johann feel about it.

"Do you consider making love to me now?" bigla niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata nito. "Ay jusko po." Hinawakan siya nito sa baywang. "Huwag kang nagtatanong ng ganyan. Ang wholesomeness ko, mawawala. Isa pa naman akong kagalang-galang na guro at propesor."

She made face. "Wala ka namang estudyante ngayon. And you're not in school. You're in our house. You're my husband. Puwede ka nang magmukhang hindi kagalang-galang."

Natawa ito at niyakap siya. "Hangga't sa hindi mo pa 'ko mahal, hindi natin gagawin. Ako lang mag-e-enjoy kasi ako pa lang ang nagmamahal. Kapag mahal mo na rin ako, mas masasarapan ka sa bawat sundot at hugot ng romansa at pag-ibig!"

Ang lakas ng tawa ni Sapphire. "Sundot at hugot? What the eff?! And you call yourself a noble teacher. That's disgusting!"

"Tignan mo, disgusting pa sa'yo. Hindi ka pa handa. Kaya huwag mo 'kong babanatan kung gusto kong makipag-make love sa'yo. Dahil ang sagot ko laging oo."

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon