Chapter Thirty-Three

198K 4.3K 267
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE

"SABI mo, hindi mo 'ko isusugod sa ospital?" nanghihinang sabi ni Johann pero may naglalarong ngiti sa mga labi nito.

"You fainted! What am I supposed to do? Keep calm?" nagagalit na singhal ni Sapphire sa asawa niya. Naka-confine na ngayon si Johann sa St. Luke's Hospital.

Nang bigla na lang itong mawalan ng malay kanina ay nataranta siya. Tumawag agad siya ng ambulansiya at naisugod naman agad si Johann sa ospital. At doon niya nalaman na mild pneumonia at overfatigue ang dahilan ng malalang trangkaso nito. Hindi naman nito kailangang ma-confine, pero para mas sigurado na hindi ito magpipilit na pumasok sa trabaho ay pina-admit niya ito. For fast recovery, also.

Umubo ito. "Ayos lang naman ako."

"Ayos? 'Ayos' ka lang? Sige nga, tumayo ka diyan!" hamon niya pa rito habang nakakuyom ang mga kamay.

Pinilit nitong bumangon ngunit hirap na hirap na ito sa pag-aangat pa lang ng kamay.

"Now, what? You can't stand up? Sabi mo, 'ayos' ka lang? Stand up, then! Akala mo lagi mong kaya ang sarili mo?"

Napaungol ito ng mahina at napapikit. "Bakit mo ba 'ko pinapagalitan?"

"Kasi sinungaling ka rin! Sinasabi mong okay ka kahit naman hindi! Kasi hindi mo inaalagaan sarili mo kapag hindi ko nakikita. Nagpapabaya ka. Inaabuso mo katawan mo sa trabaho!" sigaw niya.

"Nasa ospital tayo. Huwag kang sumigaw," nanghihinang saway nito.

"Hindi! Sisigaw ako! Sisigawan kita! Kaya nga ako kumuha ng private suite, eh. Para hindi ako makaabala ng iba." Napasinghot si Sapphire. Nakagat ang labi at pinigilan ang mga luha sa pagtulo.

Naalala niya pa rin ang pagbagsak ni Johann kanina at ang walang malay nitong pigura. Kahit pa hindi naman ganoon kasama ang nangyari rito at kailangan lang nito ng pahinga, kakaibang kaba at takot ang naramdaman niya nang ilang beses niyang pinilit gisingin ito ngunit hindi ito nagigising.

Putlang putla ang mukha ni Johann kanina at parang wala na itong buhay. Takot na takot si Sapphire. Nanginginig siya sa takot. Ayaw niya ng ganoong itsura ng asawa. Ayaw niyang wala ang mga mapaglarong ngiti nito sa mga labi at ang kislap ng mga mata nito.

"M-Misis... huwag kang umiyak. Hindi naman ako mamamatay..."

Lumayo siya rito at pinunasan ang mga luha sa mga mata. Pagkuwa'y humalukipkip siya at mataray itong tinignan. "Abuse your body next time, and I swear, I'll be the one to kill you!"

Para itong natatawa kaso ay masyadong manghina kaya napapangiti na lang. Pinilit nitong dumilat para makita siya. "Huwag ka nang magalit sa'kin...Pakiusap? Parehas nating hindi inaasahan na mangyari 'to. Kahit ako naman, ayoko sa kalagayan ko ngayon. Hindi lang ako naging aware na masyado pala akong naging abala sa trabaho at pagtuturo na makailang beses pala akong natuyuan ng pawis, nabasa ng ulan, at kulang ang oras sa pagtulog." Umubo ito at suminghot-singhot.

"Hindi ka kasi talaga si Superman!"

"Sorry na, Misis."

Inirapan niya ito. Saktong may kumatok sa pinto. Agad na binuksan ni Sapphire iyon at dumating nga ang kapatid ni Johann na si Agatha. Sadyang tinawagan niya ang hipag dahil natatakot na siya kanina sa pag-aalala. Hindi niya rin alam kung maalagaan niya si Johann ng tama.

"Hi, Sapphire!" magiliw na bati ng dalaga. May bitbit itong isang basket ng mga prutas.

Agad niya itong pinapasok at itinuro si Johann. "Hayan ang kuya mo. Ikaw na mag-alaga, naiinis ako, eh."

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon