Chapter Sixteen

215K 5.4K 709
                                    

CHAPTER SIXTEEN

"ANONG problema mo? Bakit bigla ka na lang tumakbo at nagkulong sa banyo? Sa mental na ba kita kailangang isugod?" natatawang pang-aasar ni Johann sa kanya habang magkatabi silang nakahiga ng kama.

Nagtalukbong  ng comforter si Sapphire hanggang ulo. "Go to hell," aniya rito. Hinding hindi niya sasabihin rito ang natuklasan niya. She'll never admit that she's falling for him. Goddamnit! Paano nangyari iyon? Mahigit isang buwan at kulang-kulang na dalawang buwan pa lang silang kasal ngunit ganoon na agad ang nararamdaman niya?

Why on earth does she have to fall in love with the only guy she only treated as a friend? Ang daya! Ang daya daya! Wala sa mga plano niya iyon!

Isa-isa niyang binalikan sa isip kung ano ang mga ginawa ni Johann na humantong siya sa kung anong nararamdaman niya ngayon.

"May nagawa ba'kong masama?" inosenteng tanong ni Johann habang hinihila ang comforter. "Did I offend you or what? Misis, magsalita ka naman. Hindi ako makaka-siesta nito kung ganitong alam kong may problema ka."

"Wala akong problema. Matulog ka na!" aniya at saka nakipaghilahan ng comforter dito. The hell! Paano nahuhulog ang damdamin niya sa kaisa-isang taong pinaglilinis siya ng banyo?

"Ah! Kapag hindi ka lumabas sa kumot mo, ako ang papasok at hahalikan kita! French kiss!"

Mabilis na inalis niya ang nakatalukbong na comforter sa kanya. "Eh... wala nga akong problema. Naguguluhan lang ako sa..." sa nararamdaman ko sa'yo. "Sa sinusulat kong article, okay?" pagsisinungaling niya.

Tumagilid ito ng higa paharap sa kanya. "Bakit malakas tibok ng puso mo? Sigurado kang wala kang sakit sa puso o ano?" Nakita niya ang concern sa mga mata nito.

Umiling siya. "I-It's nothing, really. Kinakabahan lang ako na na-e-excite sa sinusulat ko k-kaya ganoon."

"Sure?"

"Y-Yeah."

"Kanina ka pa nabubulol. Hanggang ngayon ba na-e-excite at kinakabahan ka? Ano bang article ang sinusulat mo at masyado kang apektado?"

Nag-iwas siya ng tingin rito at saka humiga patalikod rito. "Basta. You don't have to worry na. I calmed myself already." Nagtalukbong na ulit siya ng comforter hanggang ulo.

"Gusto mo ng yakap?"

"No," mabilis na sagot niya at saka pumikit ng mariin. A hug from Johann won't help her. Mas magpapagulo lang iyon ng damdamin niya.

Hell! Sabi na niya nga ba at hindi dapat niya hinahayaan si Johann na yakapin siya noon. Unconciously, she invested feelings because of his warm hugs! Ugh! Damn it!

"Hmm... may problema ka talaga, eh. Hindi ako naniniwala na tungkol iyan sa article," he pushed. "Sige, kundi mo masasabi ngayon, ayos lang. Malalaman ko rin naman iyan."

Napalunok siya. Shit! Paano nga kung malaman ni Johann ang nabuong feelings niya rito? Eh di, tinawanan siya nito? Naalala niya pa na sinabi nitong pagtatawanan siya nito kapag naramdaman niya nang ma-inlove...

Pero hindi pa naman ako so sure that I'm falling in love already, right? Maybe, I'm just overwhelmed lang with his presence. And lagi kami ang magkasama kaya baka masyado lang akong na-attach. I don't know anything about love, so I'm not going to conclude that I am falling inlove with him.

Tama. Tama ang naisip niya! She'll just leave it that way. Masyado lang siyang overwhelmed kay Johann at sa mga ginagawa nito. Tama.

Tama. Ganoon lang.

Why do I sound like I'm always convincing myself? Argh!

"Misis?" untag na naman ni Johann.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon