Chapter Twenty-One

202K 5K 1.1K
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

NANINIWALA si Sapphire sa "divine intervention". Iyon bang lahat ay handa na at tila wala nang makakapigil para gawin ang isang bagay pero sa hindi maintindihang pangyayari, hindi matutuloy ang planong gawin.

Katulad ngayon. Kinakabahan siya pero ready na ready naman sa "hashtag-Galawang-Johann-Version-2.0", ngunit may "divine intervention" na naganap.

Pababa na ang mga labi ni Johann sa leeg niya nang biglang may kumatok nang malakas mula sa gate.

"Saphi? Saphi, baby? Knock knock!"

Her eyes widened. "Si Mommy!"

Agad na napatayo naman si Johann at napakamot sa leeg. "Sandali lang po, Mommy!" Sigaw nito. Tinulungan siya nitong bumangon at ayusin ang sarili niya. "Love ko Nanay mo pero parang wrong timing siya, ano? Nakakainis," nakangising sabi nito.

She has the same sentiments but she just shrugged it. "Sige na, Mister. Open the gate."

Lumabas naman agad ito para pagbuksan ang Mommy niya. Mabilis naman siyang nag-isip. Ano kayang kailangan ng Mommy niya? Kinabahan na din siya. Parang awkward pa na magkaharap sila ng ina lalo na sa mga sinabi niya rito kaninang hapon.

Magkasabay na pumasok ng bahay ang Mommy niya at si Johann.

"Mommy..." She forced a smile. "I---"

Sinugod siya nito nang mahigpit na yakap bigla. "M-Mom..."

"I love you, Saphi. I love you so much," bulong ng ina. She cupped her face and her mother's already teary eyed. "And I'm so sorry if you feel that I have neglected you."

Tumikhim si Johann. "Maiwan ko po muna kayo," magalang na paalam ni Johann bago tumingin sa kanya nang makahulugan. Pagkuwa'y pumasok na ito sa loob ng kuwarto nila.

"Mommy, I've told you already that I understand naman. You don't have to say sorry."

"No, anak." Napabuntong-hininga ito. Her mother looked stressed.

Napaupo sila sa sofa. "Nagulat ako sa mga sinabi mo kanina. B-believe me or not, I wasn't aware na ganoon na pala ang tingin mo sa'kin." Hinawakan nito ang kamay niya. "I'm sorry, my baby. Mommy failed you... Tama ka, I realized all of these years, wala akong inatupag kundi maghanap ng boyfriend. Gusto ko lang naman na...n-na magkakaroon ka ng Daddy pero..." Napayuko ito. "But looks like hindi naman iyon yung nagawa ko. Rason ko lang ata iyon para mapagtakpan ang pagka-selfish ko. Sapphire, I'm sorry... Mommy's sorry... Hindi ko naman kasi alam na may kinikimkim ka na because I thought everything's cool with you..."

She sighed and hugged her mother who was in tears already. Ayaw niyang nakikita ang Mommy niya na umiiyak. Mabigat sa dibdib. Tapos siya pa ngayon ang rason kung bakit umiiyak ito.

"M-mommy...don't cry. Okay na. I still love you kahit anong mangyari."

"I was young and immature then. Looks like I never grew up, baby. Akala ko, I was doing my duties as a mother already by the thought of finding a father for you. Pero nag-asawa ka na at lahat, I never got married." Hinaplos nito ang buhok niya. "Desperada na rin siguro ako, Saphi. Tumanda na 'ko nang ganito pero kahit isa sa mga lalaking minahal ko...hindi nila ako ganoon kamahal para alukin ng kasal. Parang walang tao ang gustong samahan ako hanggang dulo."

Saphi pouted. "Ako, Mommy. I want to grow old with you. I will take care of you."

Tinitigan siya ng Mommy niya at napangiti ito. "Oh, Sapphire..." Niyapos na naman siya nito. "You don't know how much happiness you always brought me since the day that I first held you."

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon