CHAPTER FIFTY (Part 1)
KAHIT walang aircon sa labas ng interrogation room ng presinto na pinagdalhan kay Johann at kahit pawis na si Sapphire dahil sa palakad-lakad, hindi siya aalis doon hanggang sa hindi lumalabas sa loob ng interrogation room ang asawa niya kasama ang pinsan nitong si Ramses.
"Sapphire, may upuan dito, o. Baka gusto mong umupo?" ani Prince na hinila niya papuntang presinto kanina. Dumating ito sa kanila dala ang kotse nila ng asawa, minutes after dalhin si Johann ng mga pulis.
Nahinto siya sa palakad-lakad at saka tumingin rito. "What exactly happened on the campus earlier?" tanong niya rito.
"I've told you, Cindy was found on a storage room. Unconcious pero humihinga pa. Sinugod agad sa ospital. Sabi ng mga security guards doon, ang janitor daw ang nakakita kay Cindy at ang sabi pa nila, sa tingin nila ay kahapon pa nangyari ang krimen. Visible na daw kasi ang mga pasa sa buong katawan at saka tuyo na iyong dugo na-"
Napingiwi siya at tinaas ang kamay para tumigil na ito sa pagsasalita. "Then you called my husband right away?"
Tumango ito. "Hindi agad ako umalis. Nakibalita pa 'ko. Mabilis dumating iyong mga pulis at nagtanong-tanong sa mga kakilala ng biktima. Then, I heard they mentioned that they last saw Cindy with Johann. Halos karamihan ng estudyante iyon ang sinabi, kaya alam ko nang si Johann ang mapagbibintangan. I called him right away to tell him the situation."
She lightly tapped her one foot over and over. Naisip niya, biktima rin ang asawa niya. At mapapatunayan ng mga security guards na nagsugod rito sa ospital na habang nangyayari siguro ang crime ay walang malay ang asawa niya.
Sabay silang napatingin ni Prince sa bumukas na pinto ng interrogation room. Lumabas ang isang pulis, sumunod si Ramses at nasa likod nito si Johann.
"Thank you for cooperating, Mr. Anderson. Sa ngayon po, kailangan po naming makausap ang security guards na sinasabi niyong tumulong sa inyo at ang doktor ng ospital na gumamot sa inyo."
"And my cousin is clear after that, right?" tanong ni Ramses.
"Yes, Attorney. Maalis po siya sa list of suspects," mahinahong sabi ng pulis na hepe pala ng presinto.
"Ahm, chief," singit ni Johann. "May posibilidad ba na iyong nanakit sa'kin at kay Miss del Rosario ay pareho?"
"Pagkatapos ng naging pag-uusap natin, posibleng oo. Dahil ang biktima ay nakatamo rin paghampas sa ulo na parang pinalo ng kung anong matigas na bagay," sagot ng chief police. "Sa ngayon, puwede na po kayong umuwi. Thank you for the peaceful cooperation."
"Very well," sabi ni Ramses. "Just next time huwag niyong poposasan kung hindi naman umaalma ang dinadakip niyo. That's against your protocol and the privacy of my cousin."
"Sorry for that, attorney. My men said hindi naman dapat nila poposasan si Mr. Anderson. Na-misinterpret po yata iyon nang maybahay ng pinsan niyo. Nataranta lang sila nang biglang tinulak ng misis ang isa naming pulis at nagsimulang umalma para sa asawa."
Natawa si Johann. "Eh di dapat po pala, misis ko pinosasan niyo."
Malakas siyang tumikhim na nagpalingon sa tatlo.
"Joke, joke, joke!" biglang kabig ni Johann at saka lumapit sa kanya. "Nandito ka pala, Misis. Kumusta iyong sinaing ko?"
"Hindi nasunog at kinain niya," sabay turo kay Prince.
"Sa bahay niyo kasi ako inabutan ng lunch," nakangiting sabi ng lalaki.
"Anyway, may iba pa bang suspect maliban sa'yo?" tanong niya sa asawa.
BINABASA MO ANG
The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - Published
HumorNagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo naman sila ni Johann. Excempted ito sa galit niya sa mga kabaro nito. "Friends" naman kasi sila. Han...