Chapter Forty-One

161K 4.5K 615
                                    

CHAPTER FORTY-ONE

"PAGKATAPOS niyon, pinagalitan pa nila ako," pagpapatuloy ni Johann sa kuwento.

"Wala daw akong karapatan na ipaalam na pinsan ako ni Rafael, na isang Velasquez ako...na anak ako ng anak nila. Binigay na daw nila lahat ng kailangan ko, nakuha ko pa daw silang muntik na pahiyain. Ang isang katulad ko daw na mahirap, laking kalye, at anak ng isang puta ay hindi kahit kailan magkakaroon ng karangalan na dalhin ang pangalan nila.

"Eh, putang-ina! Kanila na pangalan nila! Sarili nilang anak, natawag nilang puta? Sariling apo nila na wala pang sampung taong gulang, kaya nilang pagsabihan ng ganoon? Aanhin ko iyong maganda kong kuwarto, iyong magagara kong gamit, iyong masasarap na kinakain ko kung araw-araw na lang, hindi naman nila ako tinuturing na isa sa kanila? Bakit ko pa gugustuhing maging mayaman kung lalaki ako sa pamilyang wala nang ibang inisip kundi ang 'image' nila?

"Binu-bully rin ako araw-araw ni Rafael. Mas pinamumukha niya sa'kin iyong layo ng agwat namin kahit pa dapat pantay lang kami. Lagi siyang angat. Lagi siyang bida. Siya ang paborito nila Lolo. Eh di siya na! Mukha niya, mas pogi naman ako sa kanya."

Papaiyak na sana si Sapphire ngunit umurong ata ang luha niya. "Johann!" saway niya rito. "Seryoso na tayo, eh. Huwag ka nang humirit ng ganoon."

Natawa ito at pinahid ang mga luha. "Eh, totoo naman kasi. Kapag nakita mo iyong pinsan kong iyon, ako pa rin pipiliin mo. Mas madalas niya rin akong awayin noon kasi lahat ng crush niya, ako iyong crush!"

Uminom ulit ito ng beer bago magpatuloy.

"Inis ako sa pinsan kong iyon...pero inggit na inggit rin ako sa k-kanya... Nakikita ko kung gaano siya kamahal ng mga magulang niya...nila Lolo at Lola. Siya kasi ang kino-consider na panganay na apo kahit mas matanda ako ng dalawang buwan. Siya ang magmamana ng lahat na mayroon ang mga Velasquez." Humugot ito ng malalim na hininga at saka inubos na naman ang laman ng bote nito. "Siyempre bata pa 'ko noon. Inggitero nga ako. Kaya ang ginawa ko, inungusan ko si Rafael sa klase. Laging mataas grades ko kaysa sa kanya. Nag-top one ako. Akala ko magiging proud na sa'kin sila Lolo..."

Napayuko ito. "Kaso pinagalitan na naman ako. Dapat daw nagparaya ako. Dapat daw hinayaan kong mag-top one si Rafael. Wala daw akong utang na loob, tang-ina. 'Utang na loob' nila mga pagmumukha nila! Pero dahil nine years old lang ako noon, eh di sige, si Rafael na top one. Kanya na. Huwag lang magalit sila Lolo.

"Ang ginawa ko na lang, ginagaya ko na lang si Rafael. Iyong mga pagdadamit niya, iyong sosyal niyang pananalita, kahit iyong kung paano siya maglakad...lahat ginaya ko. Para magmukha akong mayaman. Kahit bumabaluktot dila ko sa Ingles, nag-aral ako mabuti pati kung paano bibigkasin. Ang naisip ko niyon, baka kapag nawala sa sistema ko iyong pagiging mahirap ko, maiharap na ako nila Lolo bilang apo nila. Pero hindi pa rin pala... pinagtatawanan lang nila ako kapag sinusubukan kong kumilos at magsalita na katulad nila.

"Bata pa 'ko niyon kaya siguro tumatak hindi lang sa isip ko, pati dito," sabay turo sa puso nito. "Lahat-lahat ng sinapit ko sa pamilyang akala ko iaalis ako sa impiyernong buhay pero mas pinalasap sa'kin kung ano ang tunay na kahulugan niyon."

"Johann..."

"Tiniis ko iyon nang dalawang taon. Kinalimutan ko kung ano ang totoong ako para lang alipustahin nila. Naisip ko, kung hindi naman sila mayaman, kung wala naman silang pangalan na iniingatan, magiging iba kaya ang pagtanggap nila sa'kin?"

Napapikit ito at napayuko. Then, his shoulders started shaking. He's crying already.

"A-At alam mo, Sapphire...hindi ako nasasaktan kasi hindi nila ako matanggap..." he sobbed. "N-Nasasaktan ako dahil...kahit ganoon sila sa'kin, mahal ko sila. S-Sila lang iyong mayroon akong alaala ng inang di ko n-nakagisnan. Pamilya pa rin sila. At kaya ang sakit-sakit kasi mahal ko sila kahit a-ayaw nila sa'kin..."

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon