CHAPTER EIGHTEEN
"SAPPHIRE, nahuhulog na 'ko... Puwede bang saluhin mo 'ko?"
"J-Johann..." Napalunok siya at napapikit. Tumaas ang mga braso niya at niyakap rin ito. "I-I don't know how this works but... I...I-I like you, too," she confessed. Eh, tatanggi pa ba siya gayong nauna na itong umamin?
Bahagyang lumayo ito sa kanya at hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Totoo?" di makapaniwalang sabi nito. Bahagya pang bumibilog ang singkit nitong mga mata.
Napayuko siya. "Kaya mabilis tibok ng puso ko kaninang umaga... Kaya sumama ako sa'yo rito nang hindi ka magpapigil umalis... Kaya mukha akong bothered, it's because I... I'm confused, alright? I just don't know if I'm falling, too, because all of these are new to me. Umabot na 'ko ng twenty-eight years pero kasi... ngayon ko lang 'to naramdaman."
Napapitik si Johann. "Sabi ko na nga ba, eh!" tuwang-tuwang sabi nito. Kinabig na naman siya nito payakap. "Tignan mo, hindi ka pa aamin kung hindi ako umamin."
"Ahm... so what do we do now?" clueless niyang tanong.
Hinarap ulit siya nito at sinalubong ang mga tingin niya. He smiled gently and caressed her face. "Dahan-dahanin natin. Huwag nating pilitin o madaliin ang mga sarili natin na mas palalimin 'tong nararamdaman natin. Kumbaga, hayaan natin ang oras at panahon ang magpahinog. Let's enjoy being together." Dumulas ang isang kamay nito mula sa braso hanggang sa kamay niya. Then he intertwined their fingers. "Let's work this out."
"Paano kung hindi mag-work? Can we still be friends after that?"
Napasimangot ito. "Huwag mong isipin iyon, eh, wala pa nga. Basta, ang mahalaga ay kung ano tayo ngayon."
"Ano na ba tayo ngayon?"
"More than friends na, Misis," nakangising sabi nito. Hinila nito ang kamay niya at kinawit ang dalawang braso nito sa baywang niya.
Bigla siyang may naalala. Tinukod niya ang mga kamay sa dibdib nito. "Wait, how about Czarina?"
Ikiniling nito ang ulo. "How about her?"
"Y-You love her..."
Napabuntong-hininga ito. "Pero kapag kasama kita, nakakalimutan ko siya."
Napalunok siya. Naramdaman niya rin ang pag-iinit ng magkabilang pisngi niya. "B-Baka... baka you're just confused lang rin... Huwag na nating i-work out 'to kung siya pa rin ang mahal mo."
Mamaya ginagawa lang pala siyang rebound girl nito. Siya? Magiging rebound? No way!
"Magiging honest ako sa'yo, Sapphire. Hindi ko na alam kung ano bang nararamdaman ko sa 'kanya pero kapag sa'yo, sigurado akong nahuhulog na 'ko. Kaya nga pakisalo ako di'ba? Dahil masakit lumagapak."
"Masakit nga bumagsak. And I'm falling, too. Will you catch me? Baka nga, ako pa ang lumagapak kapag bumalik ang babaeng minahal mo nang mahigit isang dekada. Sa'ting dalawa, ako ang pinakakawawa."
Napakamot ito sa sentido. "Huwag mo kasi siyang isipin. Intindihin mo iyong sinasabi ko sa'yo."
"Sabi mo nakakalimutan mo siya kapag kasama mo 'ko. So when you're not with me, siya na iniisip mo?"
"Kapag wala ka, iniisip ko kung anong ginagawa mo o kung saan ka pumupunta o kung kumain ka na ba. Kapag nagtuturo ako, nakikita ko mukha mo sa blackboard. Kapag nagji-gym ako, iniisip ko lagi kung anong magiging reaksyon mo kapag nagka-abs na 'ko. Kapag natutulog na 'ko, napapanaginipan kita."
Bahagya siyang napangiwi. "That's creepy."
"Kaya nga, eh. Nakakabaliw pa. Sobrang okupado mo na buong isip ko, hindi ko alam kung saan pa siya sisingit."
BINABASA MO ANG
The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - Published
HumorNagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo naman sila ni Johann. Excempted ito sa galit niya sa mga kabaro nito. "Friends" naman kasi sila. Han...