Chapter Nineteen

205K 5.3K 533
                                    

CHAPTER NINETEEN

"MISIS? Manok ka ba? Bakit kanina ka pa palinga-linga?"

Humaba ang nguso ni Sapphire dahil napansin pala ng asawa niya ang pagka-paranoid niya. Nasa Shangri-La mall sila ngayon dahil nagpasama siya ritong mag-shopping. "W-Wala lang. Don't mind me." Pinigil niya na ang sarili na magpalinga-linga pa ulit.

Mula kasi nang nagpakita si Czarina, na-paranoid na siya. Baka mamaya nasa mall rin ito at magkita ito at si Johann. Hindi puwede!

Humigpit ang pagkakakapit niya sa braso ni Johann.

"Ang mahal naman ng mga damit dito. Mas mura pa sa SM. Sa SM Megamall ka na lang bumili. Tawid lang tayo, SM na."

Napasimangot siya. "Ayoko doon. Maraming tao. And why do I have to buy cheap clothes if I have the money to buy the expensive and branded ones?"

"Maka-cheap ka naman! Doon ko kaya binibili briefs at boxers ko. Hindi sila cheap, affordable lang talaga."

"I'm more comfortable doing my shopping in here. Isa pa, mas crowded sa mga SM malls. Naiinis ako kapag maraming tao."

Lumiko sila sa swimsuit section ng department store. "Ang sabihin mo, hindi mo gustong makihalubilo sa mga hindi mo ka-level. Tsk. Matapobre."

Tumingin-tingin siya ng mga two-piece bikinis na naka-display. "I'm not matapobre. I just don't feel like joining such crowds. I never like crowds whether mayaman or not. Kung mahilig lang ako makisali, eh di sana I have a friend aside from you."

Isang beses na nakihalo siya sa crowd ay noong college night party na in-organize ng student council. Umuwi siyang inis na inis dahil ang daming lalaking lapit ng lapit sa kanya at pinopormahan siya. Yuck. Nang sumubok naman siyang makisali sa mga grupo ng mga babae ay halatang inis sa kanya ang mga iyon at fake smiles lang ang binibigay sa kanya. Hmp! Bitches.

"Ang mahal ng bikini nila, o. 569 pesos!" bulong nito sa kanya habang hawak ang pricetag ng isang orange bikini. "Kapag sa palengke, fifty pesos lang to."

Natawa siya at tinapik ang kamay nitong hawak ang orange bikini. "Bakit alam mo ang price ng bikini sa palengke?"

"Curious lang kaya tinanong ko sa tindera," natatawang sagot naman nito. "Pero seryoso, for just a piece of cloth, five hundred plus na agad?" Luminga ito at lumapit naman sa isang sexy red swimsuit at tinignan ang pricetag niyon. "2899 pesos! Aba, kapag sinuot ba 'to ng may bilbil, se-sexy sila?"

"Ano bang problema mo sa mga expensive things? You're rich na rin naman na. Price does not matter na as long as we're comfortable with what we wear, where we live, and as long as we get what we want."

Inakbayan siya nito at naglakad na sila papunta naman sa accessories section. "Praktikal lang talaga ako, Misis, alam mo iyon. At saka hindi naman ako lumaking mayaman diba? Para sa mga hindi masyadong maraming pera, kung may mga bagay naman na makakapagbigay nang same comfort at mas mura, iyon na lang ang bibilhin. Pero may point ka rin naman kasi kinalakihan mo iyan at sa'yo naman ang pera mo. Pero, subukan mong i-lessen ang shopping time mo. Hindi lang ako sanay na every week may misis akong nagsa-shopping ng damit tapos di mo naman agad nagagamit. Na-sta-stock lang sa aparador natin. Parang tuloy di naman pala masyadong kailangan. Pinambili na lang sana natin ng pagkain tapos ibigay natin sa street children. O kaya, nagbigay tayo ng tithes sa iba't ibang church."

Napatingala siya rito. She finds herself smiling at him. Kay Johann niya na-realize na ang pagiging praktikal ay hindi naman pagiging kuripot. It's just getting what someone needs. Hindi naman kuripot si Johann dahil kung maghulog ito ng tithes sa simbahan, mas malaki pa iyon sa nagagastos niya tuwing nagsa-shopping siya.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon