Chapter Twenty-Three

196K 6K 1K
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

HINDI naman si Sapphire ang tipong iiyak at malulungkot kapag nilayasan ng asawa. Umiyak lang siya nang magtalo sila ni Johann at biglang umalis ang mister. Hinintay niya lang na bumalik ito kagabi—which didn't happen. So, what should she do?

            Malungkot lang? Umiyak lang? Maghintay nang maghintay hanggang sa bumalik si Johann?

            Hah!

            No way! Kung ayaw pang bumalik ni Johann, then she won't be a pathetic wife caging herself inside a small house until her husband gets home.

            Kaya kinabukasan, pagkagising niya pa lang, nag-ayos siya. Sinuot niya ang pinakamahal at pinakamaganda niyang damit, tinawagan niya ang driver sa mansyon ng Lola niya, at pinadala ang sasakyan niya na Porsche.

            Hindi siya magmumukmok sa isang tabi. She'll surround herself with luxury!

            Wearing a sleeveless light orange crop top; white highwaist pants—na hapit at siyang tumakip sa pusod niya; a pair of four-inch Manola Blahnik stilleto; and with shining jewelries, lumabas siya ng bungalow at agad na sumakay sa mamahaling sasakyan. Pinagtitinginan siya ng mga kapitbahay nila pero wala siyang pakialam sa mga ito.

            Siya ang magmamaneho at maiiwan ang driver sa bahay. "Make sure that the house is safely locked," bilin niya at saka binigay rito ang susi ng bahay. "If ever my husband came home, tell him to go to hell."

            "Señorita?" nagtatakang usal nito.

            Hindi ata makapaniwala sa sinabi niya. But, whatever. Isinuot niya ang Gucci shades niya and drove away.

            Napangiti siya sa amoy sa loob ng kotse niya. Ang tagal niya ring hindi nagamit ang Porsche niya. And she missed the smell of being rich! Doon talaga bagay ang isang Sapphire Monteverde. Hindi niya lang talaga alam kung bakit naging sunud-sunuran siya sa mga gusto ni Johann.

            Napaismid siya nang maalala ang asawa.

            Inabot niya ang kanyang Iphone na nakalagay lang sa bulsa ng kanyang Louis Vuitton bag. For the nth time, she tried to reach out to Haley, Lavender, and Crystal Jane. Pero ang mga magagaling niyang pinsan, hindi talaga sinasagot ang tawag niya. It's either, ring lang ng ring at naiinip siya sa paghihintay kaya binababa niya na, or 'out of coverage' area ang mga ito. What the heck? Mula nang mag-birthday siya, hindi niya na nakasama ang mga ito. Hindi naman galit ang mga ito sa ginawa nila ni Johann sa mga ito noong birthday niya.

            "What the hell, girls? Ano bang mga pinagagagawa niyo and you can't even pick-up your freaking phones and return my calls?" maarteng pagre-record niya ng voice message na ipapadala niya sa mga ito.

            Niliko niya ang sasakyan palabas ng EDSA.

            "Please, if you receive this VM, call me, text me, viber me—Ugh! Whatever! Just... just talk to me. I miss you, girls. I miss our spa sessions. Magpakita kayo sa'kin. Please!" mariing pagtatapos niya sa voice message.

            Saglit siyang dumaan sa pinapatayo niyang bookstore. Saktong pagdating niya sa construction area ay nandoon ang engineer na namamahala. May mga haligi na ang five storey-bookstore na ipinapatayo niya. Kahit papaano, kapag nakikita ni Sapphire ang future bookstore niya, kumakalma ang nerves niya. At least, this is the good result in marrying Johann.

            Dahil mainit at hindi siya makatagal sa sobrang taas ng sikat ng araw, isang oras lang siyang nanatili roon at saka siya umalis. She went straight to the main branch of Monteverde Hotel—or called now as Anderson-Monteverde Hotel.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon