Chapter One

398K 6.5K 613
                                    

Written: 2014

Editor: Rabia Nicole Mercado, 2017

Re-edited: 2020

The Friendly Wedding (Season 1) self-published (2016) & published under PHR (2018 ,2019), published under FGW PubCamp (2021)

***

CHAPTER ONE

"BAKIT ba ang hirap makuha ng mana ngayon? Bakit ang daming kondisyon na kailangan munang gawin? At ano ang purpose ni Lola bakit kailangan niyang mag-iwan ng ganoong bilin?"

Binagsak ni Sapphire ang sarili niya sa malaki at malambot niyang kama. Masama ang tingin niya sa chandelier na nakasabit sa kisame. May her Lola rest in peace. Ngunit, inis siya sa iniwan nitong bilin sa kanilang magpipinsan para lang makuha ang mana nila.

She heard her girl cousins giggle.

"Nakutuban siguro ni Lola na gusto mong maging old maid forever kaya, hayan, you cannot claim your 'prize', if you don't have a 'proof of purchase'," nang-aasar pa na sabi ng nakababatang pinsan niya na si Lavender.

Proof of purchase? Hah! She smirked. Para makuha niya ang parte ng mana niya kailangan niyang magpakasal bago sumapit ang 28th birthday niya. Eh, twenty-seven na siya ngayon at sa susunod na buwan na ang birthday niya!

Ang 'proof of purchase' niya na dapat ipakita sa abogado ng yumaong lola ay isang marriage contract! Kung hindi pa siya kasal on or before her birthday, mapupunta ang parte niya ng mana sa charity. As always.

"I thought sa mga nobela lang nangyayari ang mga ganito," wika niya pa. "Ang daya naman ni Lola, eh!" dabog niya pa sabay sipa ng paa. Tumalsik tuloy ang suot niyang sapatos.

Narinig na naman niya ang hagikgikan ng mga pinsan niya.

"You know, Saphi, start looking for your groom now instead of wasting your time whining about Lola's condition in her last will," her cousin Crystal Jane adviced. Mas bata rin ito sa kanya pero kung magsalita, parang mas matanda pa sa kanilang magpipinsan.

"Hindi ganoon kadali iyon!" bulalas niya sabay bangon sa higaan. "Wala nga akong boyfriend tapos magpapakasal pa 'ko? Bakit ba kasi kailangan pang magpakasal sa lalake?!"

"Kaysa naman sa babae ka rin magpakasal? Lalong hindi mo makukuha ang mana mo."

"Kung hindi mo ise-set aside ang pagiging man-hater mo, then, say 'bye-bye' na sa mana mo," Haley-another cousin of hers, teased. Pagkuwa'y nagtawanan pa ang mga ito.

Napasimangot siya sa tatlong babaeng pinsan na prenteng nakaupo sa peach-colored furry couch sa isang gilid ng kuwarto niya.

"Ang lakas ng loob niyong asarin ako! Ang daya-daya niyo!" Paano ba naman kasi, lahat naman sila ay nakakuha ng pare-parehong kondisyon bago makuha ang pamana ng Lola nila. Ang kaso, maraming taon pa bago mag-28 ang mga ito. Her cousins have much time to find someone they can marry.

But how about her? She only has a month!

Bakit naman kasi sa lahat pa ng kondisyon upang makuha ang mana ay ang pagpapakasal pa? Ayaw niyang magpakasal! Hindi nga siya nakikipag-boyfriend dahil ayaw niya sa mga lalaki.

Tama ang sinabi ni Haley na isa nga siyang man-hater. Walang dating sa kanya ang kahit sinong lalaki. Ilag siya sa mga kalahi ng tatay niyang hindi pinanagutan ang Mommy niya noong pinagbubuntis siya. She never imagined herself having an intimate relationship with men. Habang lumalaki siya, nakikita niya kung paanong makailang beses na umiyak ang Mommy niya kapag naloloko ng mga naging boyfriend nito.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon