Chapter Twenty-Nine

215K 4.8K 638
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

"OKAY. I will attend the reunion party. Can I bring my husband with me?" tanong ni Sapphire sa kabilang linya.

Kausap niya ngayon ang dati niyang classmate noong highschool na si Sylvia. Hindi niya ito close friend pero ang babae na ang pinaka-nakaka-interact niya noon.

"Oh! Nag-asawa ka pala? We thought you're a man hater?" maarteng tanong nito.

Nagtaas siya ng kilay. "People change. I fell in love," simpleng saad niya.

Sylvia chuckled. "Alright. So, magpapa-reserve na ko for two para sa inyo ng asawa mo. Next week na ang reunion party. Formal wear, okay? Be there at 7 PM. Resorts World Manila."

"Okay. Thank you, Sylvia. See you."

"See you, Saphi! Bye!"

Pagbaba ng cellphone ay agad na in-encode ni Sapphire ang mga sinabi ng dati niyang classmate sa "Reminders" niya. Ayaw niyang pumupunta sa mga party pero parang gusto niyang makipagso-syalan kaya um-oo na lang siya nang tawagan siya nito kanina. Isasama niya ang asawa para hindi siya ma-bored.

Tumayo si Sapphire mula sa sofa at tinignan ang niluluto niya sa kusina. She tried to cook Tinolang Manok using the recipe she got from the internet. Nasusunod naman niya lahat ng steps hanggang sa maluto na iyon.

Tinikman niya ang niluto. Not bad. Tumangu-tango pa siya habang hinihigop ang sabaw. Pinatay niya na ang kalan at saka tinakpan ang kaserola.

She set-up the table for five minutes and she waited for Johann, after.

Habang naghihintay sa asawa ay napangalumbaba siya habang nakatingin sa kawalan.

These past few months, kung hindi niya kasama si Johann sa trabaho nito, nasa bahay lang siya lagi at naghihintay sa pag-uwi nito. It's a wifely duty that she can perfectly understand but still, nami-miss niyang magtravel sa kung saan para may mailagay sa blog niya.

Oo. May mga bagay talagang kailangang isuko kapag nag-asawa na. Pero hindi naman siguro masama na pangarapin niya pa ring makapaglibot-libot sa mga magagandang lugar? Lalo na ngayong mas marami siyang pera kahit pa hindi sagutin ng mga sponsors ng blog niya ang kanyang adventure trips.

Gusto niyang maglibot at kasama si Johann. Siyempre! Mukha namang hindi magpapaiwan ang asawa niya. But, being a professor and at the same time, being a highschool teacher, walang bakanteng oras si Johann maliban na lang kung holidays. Tuwing summer naman ay kumukuha daw ito ng tutorial or private lessons sa mga gustong magpa-tutor.

Malapit niya nang bigyan ito ng award para sa pagiging ulirang guro.

Sa kakaisip ni Sapphire nang mga gusto niyang puntahan na lugar ay hindi niya na napansin ang pagdating ni Johann. Nagulat na lang siya nang makitang binubuksan na nito ang screen door nila.

"I'm home!" Napakalaki ng ngiting bungad nito. Napatingin ito sa dining table at nakita niya ang pagningning ng mga mata nito nang makita ang niluto niya. "Wow! Tinolang manok! Ikaw nagluto?"

"Hindi. Iyong manok," sarkastikong sagot niya.

He chuckled. "Uy! Marunong siya mag-joke. Last mo na iyan, ah?" Binaba nito ang mga dala na folder at saka ito lumapit sa kanya. Yumuko ito, hinalikan siya sa pisngi at sa leeg. "Ang bango mo naman, Misis. Amoy-tinola. Mmm."

"Take a seat and let's eat dinner. I know you're tired from work." Tinapik-tapik niya pa ito sa balikat dahil mukhang ayaw nitong lubayan ang leeg niya.

"Mukhang masarap 'to, ah!" anito habang hinihila ang upuan sa tabi niya at saka umupo. "Marunong ka pa lang magluto ng Tinola?"

Umiling siya. "Actually, no. Tumingin lang ako sa internet kanina ng recipe. And we have the complete ingredients. So, I gave it a shot. Sana magustuhan mo."

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon