CHAPTER FORTY-FIVE
"LOLA Vani, aalis na po kami. Marami pong salamat sa pagtanggap sa'min dito."
Sadness came across Lola Vani's face. "Aalis na agad kayo? Bakit napakabilis naman yata? Hindi niyo ba nagustuhan ang pananatili niyo rito?"
Mabilis na umiling si Sapphire habang hawak ang kamay ng matanda. "No, Lola. We enjoyed it here. We had fun knowing you and hearing your stories. Pero kailangan na po kasi naming umuwi. We promise to come back and visit you as often as possible."
Nakakaintinding tumango ito at nginitian sila. "Pagpasensyahan niyo na pala ako minsan kung lagi ko kayong nakakalimutan. Nag-u-ulyanin na kasi ako. Nakikita ko ngang mukhang naging masaya kayo rito. Pero...ano nga ba ulit ang mga pangalan niyo?"
"Ako po si Johann, Lola," walang sawang pagpapakilala ni Johann sa sarili. "At siya po ang asawa ko, si Sapphire."
"Kinagagalak ko kayong makilala. Sana'y makabalik kayo at muli akong bisitahin. Saan nga pala kayo nauwi?"
"Sa Manila, Lola," sagot niya.
"Ah! Maynila!" Kumislap ang mga mata ni Lola Vani. "Sa pagkakaalam ko ay doon nakatira ang isa ko pang apo na anak ng bunso kong si Valerie. Puwede niyo ba siyang hanapin para sa akin? Malaki ang kasalanan ko sa batang iyon at gusto kong makahingi ng tawad at bumawi sa bata..."
Napatingin siya kay Johann. Nakatingin ito kay Lola Vani na nakangiti at ang mga mata nito ay puno ng emosyon nang pagmamahal para sa lola nito.
Johann held Lola Vani's other hand and kissed it. "Huwag kang mag-alala, Lola. Nahanap niyo na siya. Napatawad na po kayo ng apo niyo. Nakabawi na po kayo sa kanya. At masayang-masaya po siya na nakasama niya kayo at muling nakilala."
Lola Vani's eyes widened while looking at her husband. Parang natulala sa gulat si Lola Vani. Umangat ang kamay nito na hawak niya kanina. Hinaplos niyon ang mukha ni Johann, then the old woman started crying.
"Lola?" Nataranta si Johann. "Lola, b-bakit ka po umiiyak?" Niyakap nito si Lola Vani.
"You are Johann Lawrence...Y-You're my grandchild... Ang tagal kitang hinanap, apo. K-Kami ng lolo mo, bago siya namatay gusto ka niyang ipahanap..." Lalong lumakas ang pag-iyak ni Lola Vani kaya lumapit na sa kanila ang dalawang nurse na nag-aalaga rito.
Pinigilan niyang makalapit ang dalawa. "No. Let them be," utos niya. Tumingin siya sa mag-lola.
Nakayakap na rin nang mahigpit si Lola Vani kay Johann. Hindi niya nakikita ang reaksiyon ng asawa dahil nakayuko ito habang yakap-yakap si Lola Vani.
"P-Patawarin mo kami, a-apo...Patawarin mo kami... Mahal kita. Wala lang akong kapangyarihan noon na ipagtanggol ka at.. at..." Mas napahagulgol pa ng iyak si Lola Vani. "Huwag ka na sanang magalit, apo ko. Hindi kita ikinahihiya. Tanggap na tanggap kita sa puso ko dahil ikaw ang natatanging alaala ng bunso ko sa'min. Patawarin mo sana kaming lahat. Pinagsisihan namin ang mga nagawa namin noon..."
Sapphire's eyes got misty. Kahit hindi naman siya ang apo nito, ramdam niya ang pagsisisi, pagmamahal, at sinseridad sa boses ni Lola Vani. After all these years, the Velasquez regret everything they did to a little boy. At sa paglipas rin ng mga panahon, si Lola Vani na lang ang natira para hingin lahat ng kapatawaran kay Johann.
"Tapos na po iyon, Lola. Kalimutan na po natin..." gumagaragal ang boses ni Johann. "Salamat po sa p-pagtanggap. Mawawala na po iyong sakit ng kahapon dahil natanggap ko na po ang matagal kong pinagdarasal na maging parte ng pamilya na 'to. At mahal na mahal ko rin po kayo." Johann kissed Lola Vani's forehead and hugged her once more.
BINABASA MO ANG
The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - Published
HumorNagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo naman sila ni Johann. Excempted ito sa galit niya sa mga kabaro nito. "Friends" naman kasi sila. Han...