PROLOGUE

8.7K 80 3
                                    

Grae


"CHEERS!!!"

Sabay-sabay naming inangat ang mga kopita na may lamang wine at pinagbunggo iyon. Habang ang ilang kasama naming mga lalaki ay inalog ang bote ng isang alak bago iyon binuksan. Ang resulta, tumalsik ito at pumaere. Mga halakhak at batian ng congratulations ang nangibabaw sa pwesto naming VIP sofa sa isang mamahaling bar. Dinig na dinig ang malakas na tugtog ng mga awitin, amoy ng usok ng sigarilyo at iba't-ibang amoy ng alak.

Lumabas na ang resulta ng Nursing Licensure Examination. Nang mabalitaan naming nakapasa kaming lahat ay agad na nagyaya ang mga kaibigan ko para mag-celebrate. Ang unang usapan ay simpleng selebrasyon sa bahay ng isang kaibigan namin pero hindi nakuntento ang iba kaya't biglang nagkayayaan na sa bar.

Mabuti na lamang at napahiraman ako ng kaibigan kong si Lei ng isang dress na babagay sa ganitong klaseng lugar. Isang black spaghetti strap backless body con dress ang ipinasuot niya sa akin na lampas hanggang tuhod. Pinaresan ko na lamang iyon ng isang black strap stilettos. Siya na rin ang nag-ayos ng buhok at make-up ko.

Masarap pala ang lasa ng champagne. Kapag nag-iinuman kasi kami ng mga kaklase ko noon, kung hindi gin ay mumurahing brandy lang dahil 'yon lang ang kaya ng budget sa ambagan.

"Huy Grae! Hinay-hinay sa pag-inom! Masarap 'yan pero traydor din 'yan." saway sa akin ni Cholo, isa sa mga kaklase ko.

I gestured a thumbs up at him habang pinapangahalatian ko ang basong hawak ko. Umiling lamang siya sa tinugon ko. Nang maibaba ko ang baso galing sa aking bibig ay ngumiti ako sa kanya at marahan kong hinampas ang kanyang braso.

Humalakhak ako sa sinabi niya. "Relax! Parang 'di mo naman ako kilala. I know my limits." I winked at him just to assure that I'm fine.

Maingay at matao ang lugar na ito. Mukhang mga big time rin ang mga kliyente rito base sa kanilang itsura at pananalita. May nakita pa yata akong artista sa 'di kalayuan.

Inilapag ng waiter ang cocktail na in-order ni Arnold para sa buong grupo. Kumuha rin ako ng isang baso at mabilis ko 'yong tinungga! Lumukot pa ang mukha ko dahil sa lakas ng sipa ng alcohol sa ininom ko.

Nagyaya sila Pia na sumayaw sa dance floor. Tumanggi ako dahil masyadong maraming tao sa stage. At saka isa pa, Nag-eenjoy pa ako rito sa sofa kasama sila Cholo at Lizette.

Tumabi sa akin si Cholo habang masaya akong nakikinig at nakikitawa sa kwento ng ibang kasama namin. When I felt how his hot body slightly leaned over me, nilingon ko siya.

"Bakit?" tanong ko. He only smirked. Mukhang lasing na si gago. Mapupungay na ang kanyang mga mata.

He licked his lower lip. "I never saw you this aggressive, Grae." He whispered at me.

I scoffed at inilapit ko ang aking mukha sa kanyang tainga. "Sinusulit ko lang ang alak dito." Humalakhak ako kasunod ng pagkurot ko sa kanyang pisngi. Pati siya ay natawa sa sinabi ko.

"Hoy! Ano 'yan, hah? Nagso-solo na kayo diyan!" Buyo sa amin ng mga kaibigan ko. Napalingon ako sa mga kasama ko at natawa na rin sa biro nila. Naramdaman ko rin ang braso ni Cholo sa backrest ng sofa kung saan ako nakapwesto.

Tumayo ako para pumunta sa comfort room dahil naiihi na ako. Cholo promptly supported me when I stood up.

"Saan ka pupunta?" aniya.

"Sa CR lang." matipid kong sagot.

Tumayo siya at ambang sasama pa ako pero pinigilan ko siya. Maybe I'm tipsy but not wasted.

Medyo nahirapan akong hanapin ang comfort room dahil hindi ko naman gamay ang lugar na ito. Sinubukan kong umakyat sa second floor. I craned my neck to look for a signage at nang makita ko sa wakas ang hinahanap ko, agad akong naglakad patungo roon. Pero hindi pa ako nakakarating sa pakay ko ay biglang may bulto ng taong bumundol sa kanang bahagi ako.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon