Chapter 44

1.8K 174 9
                                    

Darren POV

"By, gising kain na tayo." Sabi ni Angel. Agad naman akong tumayo.

"Hala gabi na, nakatulog pala ako." Sabi ko sabay tingin sa bintana.

"Hindi na kita ginising kasi alam ko pagod ka. Hindi mo din kasi ako ginising eh kaya bawi nako sayo." Sabi ni Angel. Natawa nalang ako.

"Tara?" Pag anyaya ko sa kanya.

"Ah, by. Kanina pa tumutunong yung cellphone mo. Hindi ko nalang pinakealaman baka importante. Tawagan mo nalang siguro. " sabi ni angel.

Bumaba kami ni Angel para kumain. Sabi niya siya daw ang nagluto kaya sigurado masarap 'to.

"Ay by, diba may sasabihin kang importante sa'kin? Ano yun?" Tanong ni Angel. Medyo kinabahan ako sa bigla niyang tanong sakin. Napukaw din namin ang atensyon ng mga kaibigan niya habang seryoso sa pag kain.

"May two weeks break ako kaya gusto ko sana magbakasyon tayo."

"OMG TALAGA KAYLAN" Sigaw ni Febbie sa sobrang excite.

"Easy lang febbie puso mo" pabirong sabi ni Christine

"Sorry naman excited lang."

"Bukas, nakapag decide na 'ko na bukas tayo aalis pupunta tayong boracaaaaaaaaaaaay" sabi ko at agad naman silang nag sigawan sa sobrang excited.

"Mag imapake na kayo ngayon dahil bukas ng madaling araw aalis na tayo. Alam na ni paul at jk 'to kaya sasama sila bukas" dagdag ko.

"Tok tok pwede ba 'ko sumama?" lumingon kami sa nag salita.

"Armeeeeeeeeeeeel" sigaw ni Febbie at angel sabay yinakap si Armel. Sobrang close na talaga nila sa isa't isa.

"Oh bro, andito ka na pala! Dito matutulog si Armel, tinext ko na sya kanina na sumama sa bakasyon natin bukas kaya ayun nag impake na" sabi ko sabay naman tawanan silang lahat.

Ilang oras din kaming nag kwentuhan sa kusina habang kumakain kaya nag desisyon na 'kong tumayo at bumalik sa kwarto ni Angel para antayin siya. Nag desisyon din akong tawagan yung kanina pa daw tumatawag sakin. Si Sophia.

*Ringggggg *Ringggg

"Hell-

"Darreeeeeeeeen"

"Kanina ka pa daw tumatawag" tanong ko sa kabilang linya.

"May gusto lang akong pag usapan" sabi niya.

"Wala tayong dapat pag usapan." Sabi ko sabay patay ng phone ko. Bigla namang pumasok si Angel sa kwarto.

"By, Sino yun?" Tanong niya.

"Ahh wala yun, yung katrabaho ko lang" sabi ko. Eto na ata ang kauna-unahang pagkakataon na mag sisinungaling ako kay angel.

Kinuha ni Angel ang Laptop niya sabay upo sa kama niya.

"Anong gagawin mo? " tanong ko.

"Tatapusin ko lang 'tong project ko para wala na 'kong gagawin pag nag bakasyon na tayo bukas." Sagot niya sakin sabay nagsimulang gawin ang project niya. Ilang oras din kaming naging tahimik dahil ayuko guluhin si Angel sa ginagawa niya.

"Ah by, pag katapos nitong bakasyon natin aalis kami" wika ko. Hindi ko na itatago sa kanya 'to. Ilang months lang akong mawawala sigurado namang maintindihan niya yun.

"Ha? Saan ka pupunta? Bakit kami?" Tanong niya. At huminto narin siya sa ginagawa niya.

"May world tour kami, 2-3 months din akong mawawala. Okay lang naman sayo yun diba?" Sabi ko at medyo naiba ang mukha ni Angel. Alam kong malungkot siya sa sinabi ko.

"Ah .... eh.. bukas na natin yan pag usapan. Matutulog na'ko. Punta ka na kay armel." Sabi niya.

"Bakit kay armel? Kay armel mo'ko papatulugin?" Tanong ko.

"Sige na matutulog na 'ko inaantok na'ko" sabi niya sabay higa sa kama niya.

"By" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Paki-sarado nalang yung ilaw" sabi niya. Inantay ko ng ilang segundo baka mag bago ang isip niya. Alam ko sa ganitong mood ni galit siya o di kaya nag tatampo.

"I love you" sabi ko sabay patay ng ilaw at sarado ng pintuan.

---------
A/N

MGA SILENT READER JAN ISANG VOTE LANG PER CHAPTER MASAYA NA KAMI HAHA THANK YOU PO.

Stalker (Darren Espanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon