AVE's POV
Sabado ngayon, walang pasok. Maaga akong nagising para ipag handa ng makakain ang mga kaibigan ko.
Nag tataka ba kayo kung bakit wala at hindi namin kasama ang mga magulang namin? Well, Pinayagan kami ng mga magulang namin na tumira nalang kaming apat sa iisang bubong dahil pare-parehas naman kaming pumapasok sa iisang paaralan. Well mas matanda lang ako ng konti sa kanila kaya ganon.
At dahil narin sa may kaya ang mga magulang namin kaya todo suppport nalang sa amin.
Masaya din naman ang ganito free ka at walang iniintindi kundi pag aaral mo lang.
Maaga akong nagising siguro mga 5:00 gising na'ko. Habang nag aasikaso ako bumaba si febbie at christine. Magkatabi na naman siguro 'to ng higaan.
"GOODMORNIIIINGG"
"Ave pwede ba iwas iwasan mong magsalita ng sobrang tining ang sakit kaya sa tenga" sabi ni febbie
"Goodmorning rin kayo febbie ano? Hindi na talaga maalis sakin 'to pasensya ka" sabi ko sa kanilang dalawa.
"Ham at Egg. Kumuha nalang kayo ng tinapay sa taas ng ref"
"Okay" sabah nilang sabi
"Maghilamos na kayo don at kumain na. Tapos na 'ko kaya si Angel nalang tirhan nyo." Sabi ko habang papunta sa living room para manood ng t.v .
Habang papunta ako sa living room pababa narin si Angel
"Goodmorning Ave" bati nya.
"Goodmorning kain ka na"
Pag bukas ko ng t.v si Jk at Darren ang bumungad. Kumakanta ng "Grow old with you" kaya dali dali kong tinawag si Febbie na sobrang fan ni darren.
"FEBBIEEEE SI DARREN" sigaw ko.
"ASAN ASAN ASAN" dali-dali nyang punta sa living room habang dala ang pinggan na may laman.
"Hoy, mahulog yang pagkain mo bahala ka jan" sabi ko kau febbie at walang imik na nanonood ng t.v
"Okay Darren, tutal malapit na ang birthday mo at mag 18 kana sa darating ng kaarawan mo anong gusto mong i'wish or anong i'wiwish mo para sa sarili mo?" Tanong nung interviewer na kasama nila.
"Simple lang. Good health at Happiness" sagot naman ni darren
"May nagpapatibok na ba puso mo?" Tanong ng interviewer
"Uhmmm meron po" sagot ni darren
"AKO DARREN AKO ! AKO YUUN AAAHHHH" sigaw ni febbie
"Hoy wag ka ngang ano jan"
"Wow, sino kaya 'tong mystery girl na nagpapatibok nitong puso ni darren. Malalaman natin yan." Sabi ng interviewer. "Ikaw JK meron ba?" dugtong niya.
"Meron din po. Sa katunayan nga lagi na kaming nag uusap pero thru cellphone lang. Ah I'm sure nanonood sya ngayon."
WAIT PARANG KILALA KO 'TO
"Pwede ba namin malaman ang pangalan nya?" Tanong ng interviewer
OMG JK PLEASE WAG PLEASE PLEA-
"Yup. Ave ang pangalan nya" sagot nya. Bigla akong nanigas at hindi kumibo. Nararamdaman kong maya maya tatanungin ako netong mga kaibigan ko omg please lord tulo-
"AVEEEEEEEEE" sigaw ni febbie
Shit.patay.kailangan.kong.makaalis.dito.hala
"Uh-eh aakyat muna ako."