ANGELICA POV
Papunta na kami ni armel kang sa next subject namin which is history, i think lahat ata ng subject classmate ko sya maliban lang sa p.e. Wala ako sa mood pumasok ngayon pero wala akong choice."Gel, tara sa mall" sabi ni armel. Hindi ko nalang siya pinansin para kunwari hindi narinig at nagpatuloy sa paglalakad.
"Gel, nakakatamad pumasok sige na" sambit ulit ni Armel. Huminto ako at tinignan siya at nag salita at huminto din siya.
"Bago ka lang dito tapos mag cu-cutting ka. Wow napaka proud ng dating school mo sayo kaya ka nilipat dito" sarkastiko kong sagot sa kanya. "Kahit ako rin tinatamad pero kailangan dahil malapit na ang exam at kailangan kong mag review at mag aral bakit hindi mo nalang gawin yun" dagdag ko sa kanya habang papasok kami sa room at umupo.
"Bakit hindi tayo mag review dalawa at tuturuan mo 'ko" sagot ni armel. Gusto ko rin ng kadamay sa pag rereview ngayon kaya pumayag ako.
"Sige" ikli kong sagot sa kanya
"Sa bahay niyo? Game" sabi ni Armel kaya um-oo nalang ako. Iniisip ko na doon nalang sa bahay namin para makita niya si febbie na alam ko na may gusto ang mokong na 'to kay febbie at kanina pa panay tingin kay febbie na parang matutunaw na siya.
Natapos din ang ilang oras na klase namin at lumabas na 'ko kasama si Armel. Para na ring kapatid / kuya ang turing ko kay armel dahil sa sitwasyon ko ngayon sya lang ang malalapitan at mapag kakatiwalaan ko. Sinabi ko narin sa kanya na papayag akong makipg kaibigan pero sa isang kondisyon ay dapat walang ma fa-fall madali lang naman yun eh dahil may nag mamay-ari narin nitong puso ko. Pero meron na nga ba?
"Angel, tara sakay ka na pahatid nalang tayo sa driver" sabi ni Armel at inaantay ang kotse sa harap ng school campus. Mukhang sobrang yaman ata netong lalaking 'to at may sarili pang driver.
Huminto na ang sasakyan sa harap namin at sumakay na kami. Ilang minuto din ang lumipas at dumating na kami sa bahay. Bumaba ako ng kotse at ganon din si Armel.
Namiss ko ang bahay na 'to kaya pumasok ako agad sa bahay kasunod si Armel sa likod ko. Hindi na 'ko kumatok at pag pasok ko nakita ko ang taong hindi ko inaasahang makita.
-------------
WAAAAAAAHHH SINO KAYA YUN ;D
BUMABA ANG RANK NATIN GUYS #20 TO #22 PERO OKAY LANG YUN GO PUSH LANG :)))
VOTE / COMMENT :))))))))))))