ANGELICA'sPOV
Papunta na 'ko sa school. It's Monday today. Wala naman akong ginawa kahapon kundi manood ng t.v sa hotel at nag kulong.
Hindi parin ako umuuwi sa bahay. And wala pa 'kong planong umuwi doon. Malaki narin ang gastos ko sa Hotel na pinag tutuluyan ko. Siguro kailangan ko munang humanap ng apartment pansamantala para di na mas lalong lumaki ang babayaran ko sa hotel.
Papasok na 'ko ng gate biglang may humintong kotse sa harap ko at bumukas ang kotse at bumaba si Armel.
"Good morning Angel" masaya niya bati sakin.
"Morning" tipid kong sagot sa kanya.
"Oops someone is not in the mood today" sabay kiliti sa tagiliran ko napangiti naman ako sa ginawa niya dahil sobrang lakas ng kiliti ko sa tagiliran.
"S-s-t-o-p" sabi ko habang pilit kong tinitigil ang tawa ko.
"I won't" sagot naman niya. Hindi parin siya tumitigil sa pag kiliti sa tagiliran ko. Magsasalita na sana ako biglang may tatlong babae huminto sa harap namin ni Armel. Napatigil din sa pagkiliti sakin si Armel.
"Angel" sabi ni Ave na seryoso ang pagmumukha kasama nadin si Christine at si Febbie.
"Hi I'm Armel Kang" sambit ni Armel sabay abot ng kamay niya para makipag shake hands pero hindi naman inabot ni Ave 'to.
"We wanted to talk to you" sabi ni Ave at hindi pinansin ang kawawang si Armel.
"Not me" sabi ni Febbie sabay tingin sa malayo.
"Febbie" sigaw nilang dalawa.
"You can talk to me now" sagot ko. Aalis na sana si Armel para umiwas sa pagiging awkward pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan.
"Stay" bulong ko.
"Gusto ko lang malaman kung uuwi ka pa ba ng bahay dahil mag iisang buwan na simula nung huli mong uwi doon" sabi ni Ave. Tumingin naman sila sakin kasama na si Armel na parang nag aantay ng sagot ko.
"No, and I'm planning na maghanap ng apartment. Ayuko ng tumira doon" sagot ko. Medyo nagulat din ako sa sinagot ko pati narin sila. Magsasalita pa sana si Ave pero bigla namang nag bell.
"We need to go" sabi ko sabay alis at hila si Armel with his confused look.
Pumasok na 'ko sa room kasama si Armel Kang in my side.
"What was that?" Tanong niya pero hindi ko pinansin.
"Alam mo ayaw ko manghimasok pero as of now ikaw lang ang kaibigan ko sa school ngayon at feeling ko ikaw din so care to share? You can trust me promise." Sabi ni armel with his cute smile. Tama siya wala akong mapag hingan ng tulong ngayon.
"I'll tell you later." Sabi ko with a smile
"Bu-" magsasalita pa sana siya pero biglang pumasok ang prof. namin. Ngumiti nalang ako.
"Goodmorning Class! Nagawa niyo ba yung Assignment niyo? If yes please pass it now" sabi ng prof at sabay sabay naming kinuha ang aming mga assignment at pinasa.
"Dahil wala pala ako kahapon at may nabalitan ako na may exchanged student tayo. Pwede mo bang i-Introduce ang sarili mo iho?" sabi ng prof. namin at sabay tingin kay Armel Kang.
Tumayo si Armel nang walang pag alinlangan at pumunta sa harapan. May nakikita akong mga babaeng tila hindi mapigilan ang kilig at ang mga lalaki naman ay binigyan lang siya ng masasamang tingin siguro dahil mas lamang si Armel sa kagwapuhan.
"Hi I'm Armel Kang but you can call me Armel, 18 years old exchanged student from korea" sabi ni armel sabay ngiti. Aalis na sana siya pero biglang nag tanong ang prof. namin.
"Single or Taken?" tanong niya sabay tawa ng mga kaklase namin sa weird na tanong ng prof. at ngumiti naman si Armel sabay tingin sa paligid at tumingin sakin.
"I'm Single" sagot niya at nag sigawan ang mga kaklase namin lalong lalo na ang mga babae. Mag sasalita na sana ang prof namin biglang bumukas ang pinto at pumasok si Febbie.
"Ms. Dela Peña you are 15 minutes late" sigaw niya at napa yuko napan si Febbie sabay punta sa upuan niya para umupo.
"Did i tell you to sit down?" sigaw ulit ng professor namin at bigla namang tumayo sa gulat si Febbie. At umiling iling.
"I'm sorry ma'am" sabi ni febbie sabay tingin sa harapan at tumingin kay Armel.
"Pwede ka ng bumalik sa upuan mo Mr. Kang" sabi ng prof. namin at bumalik na sa upuan si Armel at pinaupo narin si Febbie ng professor namin.
"Angel, Ano pangalan niya?" tanong ni armel sakin pag kaupo niya.
"Si febbie yan, Best- i mean friend ko. Type mo no?" pang asar kong sabi sa kanya at bigla naman siyang namula.
"Ha-...eh-.. hindi ah" sagot ni armel at tumingin sa harap at nag simula ng nag turo ang professor namin.
"Ayie, Type niya" Pang asar kong sabi sa kanya at hindi niya napigilan ang pag pula ng mga pisngi nya.
----------------
KSHDKAJSHDAS GUSTO NYO BANG MAG KAROON NG LOVE LIFE SI FEBBIE? HAHAHAHAHA
HAPPY SUNDAAAAAAAAY :) <3
VOTE AND COMMENT