Febbie'sPOV
Tumunog ang cellphone ni Angel at agad siyang tumayo at sagutin ito. Naiwan kaming dalawa ni Armel sa lamesa. Medyo awkward dahil wala samin ang gusto mag salita. Panay ngiti lang ang binibigay namin sa isa't isa.
"Uhmm.. so.." sabi ni Armel at natawa nalang ako kung gaano siya ka-awkward na tao.
"Hmm?" Tanong 'ko at nginitian siya.
"Kelan ba yung exam talaga?" Tanong niya.
"Hindi ko alam eh" ikli kong sagot.
"Exchange student ka pala?" Dagdag kong tanong tumango nalang siya.
"Matalino ka pala?" Tanong ko ulit at tumawa nalang siya.
"Kami ang may-ari ng school na yun" wika niya at nagulat ako sa sinabi niya. Wow this kid is rich.
"Rich kid" wika ko. Tumawa nalang ulit. Ano bang meron sa tao na 'to at panay tawa.
"Siguro ganon na nga pero hindi parin masaya" sambit niya. May mga mayayaman talaga na akala mo nakuha na nila ang lahat, marami ka silang pera pero hindi naman sila masaya.
"Ahh, Bakit ka pumayag na maging Exchange student? Ayaw mo ba dun?" Tanong ko.
"Oo, malungkot kasi doon eh. Wala akong ibang kasama kundi ang mga maids at drivers lang sa bahay. Simula noong bata pa 'ko hindi na'ko inaalagaan nila mama at papa. Palagi silang umuuwi ng gabi. Hindi na nga nag uusap sila mama at papa kapag nasa bahay sila eh. Wala na silang oras para sa pamilya nila. Sa katunayan nga ako ang pumilit na Ilipat nila ako dito kaya agad naman silang punayag.''
Habang sinasabi niya ang mga yun, hindi ko maiwasang malungkot. Grabe pala ang pinag dadaanan nitong lalaking 'to.
"Paano yung girlfriend mo? Iniwan mo na doon?" Tanong ko. Nagulat ako dahil humagalpak siya ng tawa.
"Anong nakakatawa sa sinabi ko?"
"Ha? Ahh ehh, wala naman akong girlfriend eh." Sagot niya. What? Sa sobrang gwapo nitong lalaking 'to walang girlfriend.
"Sus." Ang tangi ko lang nasagot.
"Febbie, kahit anong gawin ko, kahit mag lupasay pa'ko dito wala talaga akong girlfriend. At kahit sabihin mo pang nanloloko ako, uunahan na kita pero hindi, dahil hindi ako katulad ng iniisip mo." Sagot niya. Wala akong masabi kundi nakatulala nalang ako habang tinitugnan siya.
Maya maya biglang bumalik si Angel at tinignan ko siya.
"Anong sabi? Sino yun?" Agad kong tanong sa kanya habang papa'upo siya.
"Si darren, gusto niyang makipag kita" sagot niya.
"Pwede ako sumama?" Agad akong sumagot. Gusto ko sumama hindi dahil pipigilan at aawayin ko na naman siya kundi kailangan ko ring mag sorry sa inasal ko sa kanya.
"Oo naman" sagot ni Angel.
Maya maya nag bell na para sa susunod na subject namin at agad na kaming tumayong tatlo at naglakad papunta sa classroom namin. Sabay sabay parin kami dahil magkakaklase parin kaming tatlo maliban lang sa P.E subject.
-------
A/N
Hello mga bhe. Sorry natagalan ang Update. Nagpa'check up kasi ako and medyo busy din noong nakaraang araw.
Sorry mga bhe :) please supportahan at basahin niyo parin 'tong story namin :)
-Ave
PLEASE VOTE AND COMMENT :)))))))))