ANGELICA'S POV
Ilang linggo narin ako hindi pinapansin si Febbie. Araw araw iniisip ko bakit sakin sya nagalit wala akong ginawang kasalanan. Pero hihingi parin ako ng tawad dahil sobrang miss na miss ko na sya. Hindi ko siya masisisi namagalit sakin dahil mahal niya si darren at hindi niya rin inaasahan yung nangyari.
Ilang linggo narin kaming hindi nag uusap ni darren simula nung hinatid niya ako dito sa bahay. Hindi na siya nag paramdam. Nakikita ko nalang siya sa mga guesting niya sa t.v at mukhang masaya at wala naman siyang problema.
Papasok na kami ng school. Ilang araw nalang at mag mimidterm na. Sa sobrang daming nangyari panay absent na ako at wala sa mood pumasok sa paaralan. Pero thank you sa classmate kong binibigay ay pointers at notes para maka catch up ako sa mga subject.
Papasok na ko sa room, as usual wala akong kasama dahil ayaw na kong kasama ni febbie. Pag pasok ko wala pang mga tao sa room maliban sa isang student na naka-upo sa pinaka likod na upuan katabi ng upuan ko. Lumapit ako at umupo at kinausap siya.
"Hi" awkward kong sabi sa kanya. Sa itsura niya palang mukhang maraming babae ang mag kaka gusto sa kanya. Chinito maputi at ang cute niya tignan.
"Hello" sabi naman niya sabay ngiti.
"Anong pangalan mo? Bago ka lang dito?" sunod sunod kong tanong sa kanya. Sorry na-curious lang ako iba kasi ang mukha niya at mukhang hindi siya pinoy pero ewan.
"Armel-- Armel Kang pangalan ko" sagot naman niya.
"Exchange student ka dito?" tanong ko ulit. Hindi kasalanan ng taong mag tanong ng sunod sunod kung sa gwapo ng taong to hindi na 'ko titigil sa kaka daldal at kakapalan ko na ang pag mumukha ko.
"Yes! Galing akong korea" sagot niya ulit. Woooah korea.
"Eh bat marunong ka mag tagalo-" tanong ko pero hindi ko na naituloy. Hindi ko namalayan na madami na palang studyante sa room at biglang pumasok ang math prof. ko.
"Okay class, Busy ako ngayon at madami akong gagawin kaya hindi ako mag tuturo--"
"YEEEEEEEEEEEEY" sigaw ng mga kaklase ko
"Op-op-op Pero may ibibigay akong assignment sa inyo at ilagay sa yello bond paper at ipapasa sakin bukas. Okay?" sigaw ng prof ko.
"YES PO" sabay naming sambit lahat.
Tatayo na sana ako pero bigla akong tinawag ni armel at nilingon ko siya, grabe yung mga mata niya sobrang singkit.
"Uhm miss" tawag ni armel.
"Yes?" confused kong tanong sa kanya.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong niya. Hindi ko pa pala nasabi sa kanya ang pangalan ko. Na-distract kasi ako sa ka-cute-an at ka-gwapuhan nitong armel na 'to tssk
"Ay sorry, I'm Angelica, but you can call me Angel" sabay abot sa kamay ko para makipag shake hands. Agad naman niya itong kinuha.
"Gusto mo sabay tayo mag lunch mamaya? tutal wala naman akong kasama atchaka feeling ko wala ka ring kasama dahil bago ka" sabi ko sa kanya.
"sure" ikli niyang sagot.
Lumabas narin kaming dalawa sa classroom at tinulungan ko siyang hanapin ang sunod niyang subject. Habang nag lalakad kami sa hallway lahat ng babaeng makikita namin ay naka tingin samin. Teka samin nga ba o kay armel lang.
"Masanay ka na, lahat ng babae dito except sa mga kaibigan ko nag kakandarapa sa mga gwapo" sambit ko sa kanya. Tinuro ko ang classroom ko na classroom niya rin pala. Akalain mo yun kaklase ko parin tong gwapito na 'to.
Umupo na ako sa upuan ko at tumabi si Armel tutal wala rin naman akong katabi dito kaya pumayag na akong umupo siya sa tabi ko. Biglang may lumapit na babae kay armel at may inabot na papel sabay sinyas ng call me. Woah.
Natapos din ang almost 1 and 30 minutes na lesson sa history panay parin ang tilian ng mga babae dahil dun medyo hindi ko naintindihan ng kaunti. Ganto pala kahirap tumabi sa isang gwapitong katulad ni armel.
Pumunta na kami sa cafeteria at nakita ko febbie ave at christine na kumakain. Kumuha narin kami ng pag kain namin ni armel at pumunta sa malapit na upuan. Hindi parin kami napansin nila Ave, Febbie at Christine. Pero isang minuto ang lumipas at isusubo ko na sana sa bibig ko ang pag kain kong pasta at pizza ng biglang tumunog ang cellphone ko ng malakas at dahil dun nakuha ko ang atensyon nila febbie ave at christine.
Agad agad kong kinuha yung cellphone ko para sagutin ang tawag hindi ko na tinignan ang caller
"hello?" sagot ko sa kabilang linya. Walang sumasagot
"hello" sambit ko ulit.
"Angel pwede ba tayong mag usap?" sagot niya biglang nan laki ang mata ko sa narinig ko. Tandang tanda ko pa ang boses na 'to. Ilang linggo na siyang hindi nag paparamdam at eto tumatawag para ano? guluhin na naman kami ng mga kaibigan ko. Hindi pa ko pinapatawad ni Febbie.
"S-s-sure" nauutal kong sagot. Waaaaah bakit ako kinakabahan ng ganito.
----------------------
SA TINGIN NYO SINO YUN? HAHAHA SDKASLKDJAS
SORRY GUYS SA LATE LATE LATE UPDAAAAAAAAAAAATE :)