Chapter 35

1.9K 121 10
                                    

Ave's POV

Nanonood ako ng Pitch perfect ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko at binuksan ko kaagad yun. Hindi na 'ko nag dalawang isip dahil siguro sa hyper ang katawan ko dahil sa nanonood ako ng pitch perfect.

"Oh febbie ikaw pala, pasok!" Wika ko at agad binuksan ang pintuan para papasukin si febbie

"Si Armel kang yung kasama ni Angel diba?" Tanong ni febbie at humiga sa kama ko. Bumalik ako sa harap ng computer ko para ipagpatuloy ang pitch perfect. Malapit na din ako matapos, nasa final na yun bang kakanta si Beca tapos magugulat si Jesse grabe yung feels ko aahhhjdjdbd.

Napansin naman agad ako ni Febbie kaya binato niya ako ng Unan.

"Hoy nabaliw ka na jan kinakausap kita" wika ni febbie. Kinuha ko ang unan at niyakap.

"Ano ba ave papatayin ko ya-"

"Ayan na ayan na magkikiss na sila aaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh" sigaw ko at natawa nalang sakin si febbie. Grabe kahit ilang beses ko pa uulitin tong pitch perfect na 'to hindi mawawala yung feels ko pagdating kay beca and jesse.

Natapos na din ang pinapanood ko at agad kong pinatay ang laptop at lumapit kay febbie.

"Supp?" wika ko at humiga sa tabi niya

"Hindi mo sinagot yung tanong ko kanina, Si Armel Kang ba ang kasama ni Angel sa kwarto niya?" ngumiti ako at tumango.

"Yup, nag rereview sila para sa exam" sagot ko at kinuha ang cellphone ko.

"Ave, What should I do?" seryosong wika ni Febbie, bumangon ako at seryoso ko siyang tinignan.

"What do you mean?" balik kong tanong kay febbie.

"Samin ni Angel, tama ba ang ginawa kong pag iwas sa kanya dahil sa nangyari. I mean na-realize ko na mali ang ginawa kong pag taboy sa kanya. What should i do? hindi ako maka tulog sa gabi kakaisip sa sitwasyon ko ngayon." wika ni febbie at seryosong naka tingin sa'kin. Bakas sa mukha ni febbie ang lungkot.

"Sa totoo lang febbie ikaw ang may mali. Isa ka lang hamak na fan ni darren. Wag ka sanang magagalit pero hindi mo kailangan mag mukhang ikaw ang kawawa kasi febbie maling mali ka eh. Nag mamahal si Darren hindi mo yun mapipigilan. Alam kong mas nauna mong nakilala si Darren pero nakay angel ang puso't isipan niya. Makukuha mo ba kay darren yun? Diba hindi?" sagot ko at wala namang reaktion na binigay si febbie. Siguro na-realize niya na mali siya.

"At isa pa, hindi mo kailangan magalit kay angel kasi hindi niya rin alam na gagawin ni darren ang pag amin sa mismong birthday party niya pa. Walang kaalam alam si Angel nun pero anong ginawa mo? Hindi mo man lang siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Mas nangingibabaw ang galit jan sa puso mo. Febbie, oras na para kalimutan yun at mag patawad." dagdag ko sa kanya. At mukha namang nakinig si Febbie sa sermon ko at agad akong binigyan ng ngiti.

"Oh bat ka nakangiti?" tanong ko sa kanya

"The best ka talaga Ave" sabi ni Febbie at niyakap ako.

"Oh bakit hindi mo siya puntahan at humingi ng sorry?" wika ko sa kanya at tumango naman. Agad agad siyang tumayo para lumabas ng kwarto ko. Pero hindi pa man siya nakakalabas nag salita ulit si febbie

"Salamat Ave" wika ni febbie at binigyan ko siya ng ngiti sa mukha at umalis na siya sa kwarto ko.

--------------------------

WAAAAAAAAAAAH GUSTO NIYO NA BA SILANG MAG KABATI ? YAAAAY

STAY TUNED SA NEXT CHAPTER :)

PLEASE VOTE AND COMMENT <3

Stalker (Darren Espanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon