Angelica's POV
Bumangon ako sa kama para mag ayos ng sarili. Pumunta ako sa banyo at naligo.
Ilang minuto din ang itinagal ko sa banyo at lumabas na 'ko at nag bihis ng pampasok kong damit.
Bumaba ako sa living room at dumiretso sa kusina. Si ave palang ang tao doon. Mukhang wala sa mood si Ave kaya nilapitan ko. At nakita kong umiiyak ito.
"Hala, hala bakit ka umiiyak ang aga aga?" Tanong ko dito at pinunasan ang luha niya gamit ang dalawang kamay ko.
"Wala 'to" pag iwas niyang tanong sakin. "Kumain ka na jan. Hindi ako papasok" dagdag niya pa at lumabas na ng kusina at umakyat sa taas.
Maya maha biglang pumasok si Christine kasabay si Febbie sa kusina.
"Anong nangyari kay Ave?" Pabungad na tanong ni Christine at umupo sa harapan ko at nagsimulang kumain. Ganon din si Febbie na tumabi sa'kin.
Ang sarap sa pakiramdam dahil okay na kami ni febbie at wala na 'kong poproblemahin. Pero parang mali yata ako. Dahil hindi namin alam kung anong nangyayari kay Ave.
"Hindi ko alam. Pagpasok ko nakita ko na siyang umiiyak eh." Sabi ko at nagsimula naring kumain.
"Baka nag break sila ni J-"
"FEBBIE!!" Sigaw namin ni Christine at itinaas ni Febbie ang dalawang kamay niya.
"Sorry, sorry baka lang naman diba!" Sagit ni febbie. Posible ngang nagbreak si Ave at JK pero mag Tatatlong buwan palang sila at break na agad. Tsk.
"Tatawagan ko si JK teka" wika ni Christine at inilabas niya ang kanyang cellphone.
Ilang minuto niya ring sinusubukan na tawagan si JK pero hindi siya sumasagot.
"Ayae niyang sagutin tapos ngayon pinatay niya ang cellphone niya." Wika ni Christine at nagtinginan nalang kaming dalawa ni Febbie.
Papasok na kami ng campus sa school namin at pumunta sa kanya kanyang classroom. Magkasabay kaming pumasok ni febbie.
Umupo na kami sa upuan namin medyo napaaga ang pasok namin dahil tatlo palang ang nasa room . Ako, si febbie at isang nerd naming kaklase na palaging A+ ang grade sa lahat ng subject.
Maya maya pumasok si Armel at binigyan 'ko ng ngiti at ganon din si Febbie. At dahil magkatabi lang kami ni Armel at bumalik narin sa tabi ko si febbie ay pinag gigitnaan nila akong dalawa. Mukhang wala sa amin ang gustong mag salita.
Madami na rin ang mga istudyanteng at maya maya pumasok na ang prof. namin at nag simula ng magklase.
Ilang oras din ang tinagal ng klase namin at nag bell na. Tumayo na kami ni febbie para pumunta sa locker namin at pupunta sa cafeteria dahil wala kaming prof. sa next subject namin kaya napa'aga ang lunch namin.
"Pwedeng sumabay?" Tanong ni Armel ng papunta sa cafeteria. Hindi namin alam na nakasunod pala samin si Armel.
"Oy anjan ka pala hindi ka man lang nag sasalita." Sabi ko at sabay tingin kay armel at ka febbie.
"Ahh...ehhh-"
"Oh tara na!" Sabi ko at sabay sabay na kaming tatlo pumunta sa cafeteria at nag order ng makakain at pumunta sa malapit na upuan.
"Angel, hindi ba nag tetext sayo si Darren?" Tanong niya. At nagulat din ako pero agad naman akong naka recover sa tanong niya. "Ay sorry" dagdan nito. Medyo nakita ko ang palihim na ngiti ni Armel kaya sinipa ko ang paa niya sa ilalim.
"ARAY!" Sigaw niya at lahat ng tao sa cafeteri ay tumingin samin. Tumawa nalang sa tabi ko si Febbie. Hmmm I smell something... bahala na.
"Oy Angel, napanood ko yung video mo grabe di ko alam sikat ka pala?" Tanong ni Armel.
"Hindi ah."
"What if mag video ulit tayo. Matagal na din tayong hindi nag shoshoot Angel" wika ni Febbie at agad naman akong tumango at inilabas ko Ang cellphone ko para kumuha ng Video. Inilabas naman ni febbie ang monopod niya at agad akong nag record ng video.
"Hiii" sabay naming sigaw sa camera. "So, matagal tagal din akong hindi nakapag post ng video. And I'm sorry dahil may personal problem lang kaming inaayos. Pero wag kayong mag alala ayos na siya" sabi ko at nag tawanan naman 'tong mga kasama ko.
"Gusto ko lang ipakilala 'tong mga kasama ko. Eto si Febbie" sabi ko at tinuro si febbie dahil narin sa monopod ang gamit namin mahirap itutok ang cameta sa mukha niya.
"My super duper duper bestfriend" dagdag ko at niyakap ako sa tagliran ni Febbie. "Eto naman si Armel kang. Exchange student sa school namin at sobrang gwapong bata nito." Sabi ko at nakita kong nag blush si Armel sa sinabi ko kaya tumawa kami ng malakas ni Febbie.
"Hindi namin Alam ang gagawin namin at kung bakit kami nag vivideo at dahil siguro biglaan 'to si febbie kasi." Sabay suntok sa braso ko si Febbie.
"So, pag napost na 'tong video na 'to at napanood niyo. Gusto ko mag bukas kayo ng Twitter at mag post kayo ng mga tanong sa account ko at bukas, kami ulit tatlo ay sasagutin namin. Diba diba?"sabi ko at tumingin sa kanilang dalawa.
"Yup yup. As many question as you can."
"Bye byee" sabay sabay namin sigaw tatlo at sabay patay sa camera.
"So, sa bahay mamaya?" Tanong ko at tumango nalang sila.
"Teka kelan ba ang exam at bakit wala si Ma'am kanina?" Tanong ni Armel. Sasagutin ko na sana pero biglang tumunog ang cellphone at agad ko namang tinignan 'yon at nagulat ako sa pangalan ng caller. Tama ang hula namin may problema nga si Ave at JK.
--------
A/N
Bye Pope Francis. Mamimiss ka namin lalo na si Fr. Mark yung translator mo hahahahahahaha
VOTE AND COMMENT. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/29460770-288-k846581.jpg)