DARREN'S POV
On the way na ako papunta sa bahay nila Angel. Yun talaga mahilig sa biglaan talaga yun si Angel. Madami akong tanong na hindi ko masagot sa isipan ko.
Bakit ayaw niya kaming dalawa lang ang magbonding?
Akala ko ba galit siya sa akin?
Bakit biglang nawala yung galit niya sa akin?
Bakit... bakit? Bakit? Ah basta. Ang gulo talaga, bahala na magbabonding nalang kaming lahat. Sayang ngayon pa naman yung last day, paano ko gagawin yun?
Hindi ko napansin na nandito na pala ako sa bahay nila Angel, nakita kong nag-aantay sila Ave. Nandito na din si Paul, Jk at Armel, buti hindi sila busy ngayon kahit biglaan.
"yes naman kumpleto tayo ngayon." Sabay na sigaw ni Febbie at Armel. Lagi talagang sila ang unang nag-iingay sa Barkada.
"Darren Totoo? Bati na kayo ni Angel? Waaa, Darrica Foreveeer!" Sigaw ni Febbiee, maingay as always.
"Pupunta ba ako kung hindi? Asan si Angel?" Tanong ko sakanya, Sinamaan ako nung tingin nung sinabi ko yung unang tanong ko. Hahahahaha. Nung tinanong ko yung pangalawa biglang ngumiti magulo talaga to kahit kailan.
"Nasa taas, sa kwarto niya dun daw tayo. Tinatamad daw siyang bumaba," Sagot ni Tin.
Umakyat na kami papuntang kwarto ni Angel, nakita ko siyang nakadapa at may kinakalikot sa Cellphone niya. Sobra ko talaga siyang namiss sobra, gustong gusto ko na siyang yakapin pinipigilan ko lang yung sarili ko baka pag-trip(an) pa ako ng mga kaibigan ko. Magugulo pa naman'to.