Darren POV
"Aalis na 'ko kasi inaantay na 'ko ni Angel" sabi ko sabay labas ng starbucks.
Nababaliw na ba yung babaeng yun? Dalawang taon na simula nung nag hiwalay kami at ngayon andito siya para guluhin na naman ako. Ano bang pumapasok sa isip nun.
Papunta ako sa bahay nila angel ngayon, kasi simula nung umuwi kami galing boracay isang linggo ko rin siyang hindi nakasama.
Pag dating ko sa kanila, nag park agad ako ng kotse ko at pumasok sa bahay nila, hindi na 'ko kumatok, hindi naman sila magagalit kung hindi ako kakatok eh.
"Angel, tok tok" sabi ko habang papunta sa sala nila patungong kusina. Nadatnan ko doon si Christine.
"Oh darren, ikaw pala wala dito sa angel ngayon umalis, nag mamadali nga eh" pambungad na sabi sa'kin ni christine.
"Ha? Saan daw siya pupunta?" Sabi ko? sabay labas ng cellphone ko pata kontakin si angel.
"Eh hindi ko alam basta nag mamadali siya. Tatanungin ko pa nga sana pero sabi niya sandali lang daw siya. Aba malay ko." Sagot sakin ni Christine.
"Ah sige salamat" pagpapasalamat ko sa kanya.
Umupo ako sa sala nila at tinatawagan ko parin si Angel pero hindi siya sumasagot. Saan kaya pumunta 'tong babaeng 'to.
Maya maya naisip kong umakyat sa kwarto ni angel. Nilibot ko ang kwarto niya pero maya maya napansin ko ang cellphone niya.
"Hala, naiwan niya ang cellphone niya. San kaya pumunta 'tong babaeng 'to"
Tinignan 'ko ang message niya baka sakaling may clue ako kung saan siya pumunta.
sophia: i'll see you at 3pm
ANGELICA POV
Papunta ako ngayon sa starbucks kung saan nakikipag kita si Sophia. Hindi ko pa siya kilala, sa katunayan nga sa unang tumawag sakin at sabi niya emergency daw at kasama naman niya si darren kaya dali dali akong pumunta sa kung saan siya makikipag kita. Pero bakit sa starbucks.
Pumasok ako sa starbuck at maya maya nakita ko ang isang babae na kumakaway sa bandang sulok ng cafe.
"You must be angel" sabi niya sakin. "Maupo ka" Dagdag naman niya.
"Teka, akala ko ba emergency tska saan si darren?" tanong ko sa kanya.
"Ha ha ha ha, napaka inocente mo talaga girl. Sa katunayan kaya kita pinapapunta dito dahil gusto kong malaman mo ang tungkol saming dalawa ni darren"
hindi ko alam kong ano ang sinasabi niya kaya tahimik nalang akong pinapakinggan siya.
"Teka ano bang meron sa inyo ni darren, at saka sino ka ba? kapatid? Pinsan?" tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya ng malakas.
"Hindi mo ba alam? Girlfriend ako ni darren, at may plano na siyang mag popropose sakin para magpakasal kaming dalawa pero hindi natuloy sa kadahilanang dumating ka sa buhay niya."
Hindi ko alam kong paniniwalaan ko ba 'tong babae sa harap ko. Gusto ko siyang sampalin pero nangingibabaw parin ang pag titimpi sa katawan ko.
"Gusto ko sanang layuan mo na siya. Bibigyan kita ng malaking halaga magkano ba gusto mo? Isang milyon? Dalawang milyon? sampumpong milyon? Kahit mag kano ang gusto mo ibibigay ko sayo layuan mo lang si darren."
Sa oras na yun hindi na 'ko makapag timpi at itinapon ko sa mukha niya ang tubig na nasa harapan ko.
"Damn you! Hindi mo'ko madadala jan sa pera mo. Mahal ko si darren at kahit kaylan hindi ko siya lalayuan" Sigaw ko sabay labas sa pinto pero may humarang sakin yun ay si darren. Hindi ko na kaya kaya umiyak nalang ako at sinampal ko siya ng malakas sabay alis kung saan man ako naroroon.
Umiiyak ako habang nag lalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Iniisip ko kung totoo ba lahat ng sinasabi niya. Pero bakit ganon? Bakit biglaan? Sino ba siya bakit niya sinasabi sakin 'to? Mahal ako ni darren at hindi niya 'ko kayang lokohin.
"Mahal ako ni darren" sabi ko hanggang sa tumulo na ang mga luha ko.
----
a/n
THANK YOU SA MGA NAG AANTAY NG NEXT CHAPTER
TBH TINATAMAD LANG SI "AVE" MAG UPDATE KAYA GANON HAHA.
THANK YOU ULIT STAY TUNED GUYS MARAMI PANG MANGYAYARI SA STORY :)
PLEASE VOTE AND COMMENT :)