Chapter 32

1.9K 115 7
                                    

DARREN'S POV

"Febbie" tawag ko kay febbie habang palabas siya ng school nila. Hinahanap ko si Angel pero sabi niya pauwi na daw siya. Si febbie talaga ang pakay ko kaya ako pumunta dito.

"Bakit ka andito?" tanong niya habang nag lalakad palayo. Hinawakan ko ang braso niya agad niya namang inalis ito at tinignan ako ng masama.

"Hindi ko kasama si Angel kaya pwede ka ng umuwi" galit niyang sagot sakin pero hindi ko nalang ito pinansin.

"Ikaw talaga ang pinunta ko dito kaya please kausapin mo naman ako" pakiusap ko sa kanya. Tinignan niya parin ako ng masama.

"Ano bang kailangan mo?" tanong niya. Kaya agad ko na siyang kinausap bago pa mag iba ang isip niya at hindi na niya ako pakikinggan kahit kaylan.

"Febbie, I'm so sorry. Alam ko nasaktan kita, alam ko ako may kasalanan kung bakit ka nag kaka ganyan febbie, I'm so sorry ilang buwan kong inantay 'to. Ilang buwan ko pinag isipan 'to pero febbie sana tanggapin mo ang apology ko. Febbie Mahal ko si Angel. Mahal din naman kita bilang ...." napahinto ako hindi ko alam anong isusunod kong sasabihin sa kanya.

"bilang isa mong taga hanga" sagot niya. Bakas sa mga mata ang lungkot ni febbie.

"I'm sorry!" ikli kong sagot sa kanya.

"Darren, I know. Pero mahirap lang isipin na sarili ko pang kaibigan, Darren andito naman ako. Isang taga hanga mo. Mahirap bang mag mahal sa isang taga hanga? Oo darren, sobrang iniidolo kita, sobrang ... hindi ko alam, mahal kita mahal na mahal. Andito na 'ko nung nag umpisa ka palang. wala ka pa sa industriya. Darren, Sobrang hirap maging tagahanga. Alam ko ang o.a ko na pero wala eh eto na ang nararamdaman ko kaya hindi ko kayo kayang patawarin agad ni Angel" sabi ni Febbie. Habang sinasabi niya ang mga 'yon hindi na napigilan ni febbie ang pag tulo ng mga luha niya.

Sa oras na yun, parang gusto kong suntukin ang sarili ko. Kung pwede lang siguro yun kanina pa 'ko naka lupasay dito. Pero, ang hirap tignan kapag ang isang babae umiiyak sa harapan mo. Parang guguho na ang mundo ko. Pero kaya ko 'to.

"Mapapatawad ko din kayo. Pero hindi pa ngayon dahil sa kaso kong 'to durog na durog ako" sabi ni febbie sabay alis ng umiiyak at iniwan akong nakatulala.

-------------

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH DSAKJFHSKDJFHSA

HELLO GUYS SORRY HINDI KAMI NAKAPAG UPDATE.

SANA SUPORTAHAN NIYO PARIN 'TONG STORY NAMIN. PROMISE? PROMISE.

VOTE/COMMENT

Stalker (Darren Espanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon