ANGELICA'S POV
Papasok na 'ko ng bahay pagkatapos kong ihatid sila mama at papa sa labas para umalis. Lahat ng mata ay naka-tingin sa'kin kasama na si Armel."Kung gusto mong mag review sumama ka sakin pero kung hindi pwede ka ng umuwi" wika ko habang papunta sa hagdan para umakyat papunta sa kwarto ko. Nakuha naman agad ni Armel yung sasabihin ko kaya dali-dali niya akong sinundan hanggang sa pintuan ng kwarto ko.
"Papasok ka ba o hindi? Wag ka mag alala, hindi ako papatol sayo kaya pumasok ka na" wika ko ulit at natawa lang si Armel sa sinabi ko.
"Ang cool mo din eh no! Don't worry mas lalong wala akong gagawin sayo baka suntok at sipa lang matanggap ko sayo" sagot ni armel habang tumatawa.
Nagsimula na kaming magreview ni Armel. Ilang oras din kaming tuloy tuloy na nag review at mukhang sa kalagayan ni Armel, hindi na niya kailangan mag review dahil mukhang ako ang tinuturuan niya nagmukha tuloy siyang isang teacher na gustong gusto akong matuto. Buti nalang at nagkalaman ang utak ko ng dahil dito sa nerd na armel na 'to.
"Teka, teka paano ko hahanapin ang X eh wala nga akong naging boyfriend" wika ko at binigyan ako ng confused look ni Armel. Ilang segundo rin at nakuha niya ang sinabi ko at tumawa lang siya ng mahina. Ang slow din netong taong 'to e noh.
"Joke lang joke lang. Gusto ko lang mag pahinga. Masyado ng marami ang tinuturo mo sa'kin wala pa'kong natuturo sayo." wika ko habang tumatawa.
"Angel, Eh si Darren boyfriend mo ba?" tanong niya medyo nagulat ako sa tanong niya dahil napansin niya rin yun at agad naman siyang humingi ng sorry.
"Ahh, Okay lang. Tsaka hindi ko alam? Napaka-komplikado ng sitwasyon" sagot ko sa kanya at binigyan siya ng mga ngiti. Tumayo ako sa kama kung saan kami nag rereview ni Armel sa sobrang daming papel at notebook at review at pumunta ako sa laptop ko para mag open saglit ng facebook. Siguro naman mukha kaming Istudyante sa lagay na yan.
"Komplikado? Bakit?"tanong niya.
"Ewan, I think you know, mahal ko nga si Darren....There i said it. Pero alam kong may masasaktan ako at ayuko humantong ang lahat sa pagaaway namin lalo na kay Febbie. Mahal ko si Febbie at ayukong masaktan siya. Mas pipiliin kong masaktang kaysa makasakit" sagot ko sa kanya at tumango nalang siya at kunwaring nagbabasa.
Ilang minuto din kaming binalot ng katahimikan ni Armel kaya nag salita na 'ko.
"So, Ikaw? May Girlfriend ka ba" tanong ko at natawa nalang siya. Binigyan ko naman siya ng confused look dahil hindi ko alam bakit siya natawa bigla.
"I don't have girlfriend since birth" sagot niya at lumaki ang mata ko sa narinig.
"WHAT?" napasigaw ako at tinitigan siya ng ilang segundo tumawa nalang siya.
"I know, Walang mag kaka gusto sakin tsaka alam ko darating din siya, at kapag anjan na siya sisiguraduhin kong magiging akin na siya."
"Are you serious?" tanong ko dahil hindi parin ako makapaniwala na wala siyang naging girlfriend.
"Yep-p" sagot niya na mukhang proud na proud.
"Wow, sa gwapo mong yan wala ka pang naging girlfriend. Wow, konti nalang ang lalaking kagaya mo and i swear napaka swerte nung babaeng una mong maging girlfriend." wika ko at bumalik sa harap ng laptop.
*tok *tok
"Pasok!" sigaw ko sa taong kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Pag bukas hindi ako makapaniwalang andito siya sa kwarto ko. At anong ginagawa niya dito.
------------------------
A/N
WAAAAAAAAAAAAAAH :) SINO KAYA YUN </3
PIPILITIN PO NAMING MAG UPDATE EVERYDAY :)
PLEASE WAG KALIMUTAN MAG VOTE AND COMMENT :)
RANK #29 THANK YOU :)