Chapter 55

1.4K 78 21
                                    

A/N: Guys ano mas magandang Loveteam nila DARREN AT ANGELICA (DARRICA OR ANRREN) PILI KAYOO. Majority wins





ANGELICA'S POV


Nagising ako dahil nararamdaman kong may gumigising sa akin at pagmulat ko nakita ko si Darren. Oo nga pala at mag-uusap pa kami, natapos na pala ang pinapanood namin.







"Bby, ano tara? Usap na tayo sa baba, kanina pa bumaba sila Ave." Sabi niya, ay kakagising ko lang pala hindi pa ako naghihilamos baka sabog pa yung buhok at mukha ko.





"Mauna ka ng bumaba, pupunta lang ako sa Banyo ah." Sabi ko at tumango naman siya at lumabas na sa kwarto ko, sigurado akong pupunta na yun sa garden sa baba.






Pumunta ako sa Banyo, at tumingin sa salamin, Waaa, may muta pa ako. Loko loko talaga si Darren, hindi sinabi sa akin. Lagot talaga sakin yun pag-baba ko. Umuwi na kaya sila Jk o baka nasa baba pa yun at kumakain?






Bumaba na ako at dumiretso sa Garden, nakita ko siyang naka-upo sa upuan (syempre djk hahahha) at nakatingin siya sa malayo at mukhang malalim ang iniisip. Lumapit ako ng hindi niya alam at tinakpan ko yung mata niya.







"Tanggalin mo na yan, kilala na kita" sabi niya. Kilala daw ayaw naman sabihin yung pangalan. Kutusan ko talaga to eh. Syempre joke lang baka kutusan din ako ng Fans niya hahaha.








"Sino muna ako?" Sabi ko, ang sarap niya lang asarin hahahaha. Nakabusangot na kasi yung mukha niya, sorry na natatawa talaga ako.








"Bby, wag mo nga ako pinagloloko. Ikaw yan eh. Tanggalin mo na, tapos usap na tayo." Sabi niya, masyado naman 'tong seryoso, kutusan ko talaga si Darren, wag kayong magagalit sa akin ah. Pero syempre joke lang naman, mahal na mahal ko kaya to,

Stalker (Darren Espanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon