Chapter 47

1.8K 91 12
                                    

Darren's POV

Isang linggo na ang nakalipas marami ng nangyari. Naka-uwi na kami galing Boracay, naka-amin na din si Armel at nililigawan niya na si Febbie.

Wala ako sa kanila Angel ngayon, dahil may nakipagkita sa akin si Sophia. Gusto niya lang daw ng Closure tapos nun. Hindi niya na ako Guguluhin.

Pumasok ako sa starbucks buti nalang konti lang ang tao dito at medyo may edad na. Maya maya may tumawag sakin lumingon ako at nakita si Sophia.

"Darren" sigaw niya, Pag may nakakita talaga sakin. naka-disguise na nga ako eh.

"ano ba? lower your voice. May makakita pa sakin eh." sabi ko nang makarating na siya sa upuan namin.

Miss ko na agad yung Baby ko. Kasi bakit pa ako pumayag. Para hindi lang talaga niya kami guluhin.

"Darren, wala na ba talaga tayong dalawa?" Sabi niya. Ano na naman ba'to? It's been a year. Wala na akong gusto sakanya.

"Akala ko ba gusto mo ng Closure. Wag mo na 'kong guluhin tapusin na lang natin ito"

"Darren, balikan mo na ako. Tayo nalang. Mahal mo naman ako diba" nahihibang naba siya.

"Anong mahal, si Angel na ang mahal ko"

"Nalilito ka lang Darren ako ang mahal mo hindi siya." May sira na ba sa utak 'tong babaeng 'to

"Ano bang sinasabi mo? Hindi na kita mahal, si Angel na ang mahal ko. Tandaan mo yan"

"Hindi Darren, ako ang mahal mo hindi siya. "

"Si Angel na nga ang mahal ko. Siguro yung naging tayo. Kalokohan lang yun."

"Ano bang meron kay angel na wala sa akin?" tanong niya

"Marami, kung gusto mo isa-isahin ko, aabutin tayo nang isang araw." Sabi ko.

"Mas maganda naman ako sakanya, mas sexy, mas sikat ah!"

"Aalis na ako, tapos na tayo matagal na" sabi ko.

Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hilahin

"Sophia ano ba? Nahihibang ka na ba?"

"Darren Please" ano ba tong babaeng to?

"Aalis na ako, inaantay na ako ni Angel" sabi ko. At sabay labas ng starbucks

------

A/N:

OOPS BAKASYON NA SO UPDATE UPDATE
SORRY PINAG ANTAY NAMIN KAYO :)

I'M STILL SUFFERING FROM PCD BC ONE DIRECTIOOON :)
-Ave

Stalker (Darren Espanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon