ANGELICA'S POV
"Si Juan Karlos?" tanong ko sa kanya with matching horror eyes
"Yup" wika nya.
"how?"
~Flashback~
Febbie POV
Habang gumagawa ako ng assignments ko sa History biglang may kumatok sa pinto ko
"Knock, Knock" katok ba yon or joke? sabayan ko nalang 'to.
"Who's there"
"Hoy si Christine to buksan mo ang pinto"
"Hoy si Christine to buksan mo ang pinto, Who?" habang papalapit ako sa pintuan para buksan. Pag bukas ko ng pintuan nakita ko si Christine may dalang kumot at unan.
"Hindi ako nag na-knock knock, umayos ka nga febbie"
"Sorry naman sinasakyan lang kita" sabay tawa ng malakas."Bakit ka andito?" sabay sarado ng pintuan pabalik sa computer desk ko para tapusin na yung assignments ko.
"Dito ako matutulog hindi ba halata?" woah ang init ng ulo.
"Meron ka ba ngayon ha?" tanong ko habang nagsusulat.
"Post mo nga yung video nyo ni Angel isheshare ko lang. Ang boring ng timeline ko."
"Na-ipost ko na, tignan mo nalang"
lumipas ang ilang oras natapos na 'ko sa assignments ko at nakapag linis na rin ng katawan. Nag tataka ako bakit tumatawa si Christine mag-isa. Kaya nilapitan ko.
"Hoy ano yan ha?" tanong ko sa kanya.
"Sinend ko kay Juan Karlos yung video dahil hindi daw sya makatulog kaya ayon"
nabanggit ko na ba sa inyo na si Juan Karlos ang artista na kaibigan ni Christine. Magkaklase rin sila simula grade 4 hanggang 3rd year high school. Sa pag kaka-alam ko huminto ng pag aaral si jk dahil sumali sa The Voice kid at pinalad naman at ayon nanalo. Kaya ayon artista.
"Look febbie" pinakita sakin ni christine ang post ni jk na ang caption ay "this made me laugh! you should watch it" at dahil dun dumami ang views ng video namin ni Angel.
"Woooah! Magugulat talaga si Angel neto" wika ko habang papunta sa kama para humiga.
"I'm sure"
~End of flashback~
JUAN KARLOS POV
Nung nakita ko yung video nung girl na pinost ni Christine, grabe nakakatuwa siya. Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa ha. Pero ang cute niya.
Papakita ko nga kayla Darren, Darlene, at Lyca Siguro matatawa yung mga yun. Marami pa daw video yung Angelica ba yun? Aisst! Basta. Ipapanood ko talaga ito kay darren pero maganda daw boses nito sabi ni Christine. Sakto may album signing pala bukas si Darren at guest ako buti na lang. Para mapa-panood ko talaga sakanya yung babae.
Kaya ko nakilala yung babae, kasi bestfriend niya yung bestfriend ko. Napanood ko din yung iba niyang video at maganda nga ang boses. Sana makita ko na yung girl.
Habang pinaanood ko pa ang ibang video nung Angelica, dinapuan na 'ko ng antok kaya pinatay ko na ang cellphone ko para matulog dahil may schedule pa ko bukas kasama si darren. Maya maya nakatulog nako....
-----
A/N
HI GUUUYSS! SALAMAT PO SA SUPPORTA NA BINIGAY NYO SA STORY NA 'TO
WAG NYO PONG KALIMUTAN MAG VOTE/COMMENT SALAMAAT :**
![](https://img.wattpad.com/cover/29460770-288-k846581.jpg)