Chapter 33

1.8K 130 3
                                    

ANGELICA's POV

Pag pasok ko ng bahay agad bumungad sa sala ang mga magulang ko. Si mama at si papa. At akala ko ba nasa Leyte sila para sa trabaho at bakit andito sila.

"M-ma? P-pa?" Kinakabahan kong sabi sa kanila. Pati si Armel mukhang kinakabahan.

"Anak!" Seryosong sabi ni Mama at nakatingin sa'kin pati narin si Papa.

"Bakit kayo nandito? Diba nasa le-" pinutol ni Papa ang sasabihin ko at nagsalita.

"Anak, Ano 'tong nababalitaan namin na maghahanap na ng bagong Apartment?" Seryosong tanong ni Papa. Paano nila nalaman na lilipat ako ng apartment.

"Ave, paki dala muna si Armel sa kusina" wika ko at agad namang sinundan ni Armel si Ave papuntang kusina. Lumapit ako at umupo sa tabi ni Mama at si papa naman nasa harap namin at nakaupo din.

"Pa, paano niyo po nalaman?" Tanong ko at seryosong tinignan si Papa.

"Hindi na importante yun anak. Ang importante ay sabihin mo samin ang nangyayari." Wika ni Papa na seryoso kung tumungin. Mabait ang papa at mama ko pero pag may nababalitaan silang hindi maganda o kahit anong ikakapahamak o kasalanan ko nag iiba ang ugali nila.

"Anak ano ba nangyayari?" Tanong ni mama at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Nag away po kasi kami ni febbie..I mean hindi naman sa nag away, Hindi niya lang matanggap yung sitwasyon ngayon." Sagot ko at saka yumuko.

"Dahil ba 'to sa artistang si Darren?" Tanong ni mama ay tumango nalang ako.

"Bakit kailangan mong lumipat ng Apartment? Gusto mo bang mapahamak at mag alala kami? Pumayag ako na tumira ka kasama ang mga kaibigan mo pero lilipat ka ng ibang apartment, Angel ibang usapan na yun." Wika ni Papa na mukhang galit na dahil sa boses niya habang sinasabi iyon.

"Pa, nasa tamang edad na 'ko kaya ko na ang sarili ko" sagot ko.

"Enough angel, hindi ka lilipat ng ibang apartment. Pero kung ayaw mong sumunod papahintuin kita sa pag'aaral." Sagot ni papa. Wow, hindi ako makapaniwalang galing sa bibig ng papa ko ang mga salitang yun. Dahil lang sa pag lipat ko ng apartment papahintuin na nila ako. Kailan ba 'ko mag kakaroon ng kalayaan?

"Pa naman!" Sagot ko. Hindi ako makapaniwala.

"Wag mo pairalin ang pagiging spoiled brat mo Angel" sagot ni Papa at tumayo na papunta sa pinto.

"Tara na" sabi ni Papa kay mama.

"Ma" wika ko kay mama na nanghihingi ng tulong.

"Sundin mo nalang ang papa mo Angel. Magkakaayos din kayo ni Febbie. Hindi yan ang sulusyon para maiwasan si Febbie. Kausapin mo Anak! Ang kaibigan minsan lang yan dumating sa buhay. Wag mong hayaang mawala si Febbie sayo. Para na kayong magkapatid. Kaya mo yan anak. Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka" sabi ni mama sabay halik sa magkabila kong pisngi.

"Salamat ma" sabi ko at niyakap siya.

"Mag iingat ka dito" sabi ni mama pero hindi pa 'ko binibitawan sa pagkakahawak. Ilang segundo lang at bumitaw na 'ko kay mama.

"San kayo ngayon?" Tanong ko habang papunta kami sa pinto para ihatid siya.

" Babalik na kami anak. Pumunta lang kami dito para siguraduhing okay ka" wika ni mama habang papunta kami sa kotse.

"Paki sabi kay papa sorry" sabi ko sabay tingin kay papa na inaantay si mama pumasok sa kotse. Nginitian ko nalang si Papa.

"Sige anak" sagot ni Mama

"Tara na" sigaw ni Papa at pumasok na si Mama sa kotse at binigyan ko ng ngiti.

---------------
A/N

SORRY GUYS SA LATE LATE UPDATE.
EXAM IS URGH. BABAWI KAMI PROMISE

PLEAS DON'T FORGET TO
VOTES AND COMMENTS

WELCOME TO THE PHILIPPINES POPE FRANCIS :)

Stalker (Darren Espanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon