Ako inistalk? At ng isang artista pa. Grabe naman hindi naman kapaniwa-paniwala yun. Dahil hindi naman talaga ako kagandahan sabi nila maganda lang daw boses ko. Pero totoo talaga yan. Kahit hindi kayo maniwala. Hindi lang siya artista, singer din siya. Sobrang sikat niya pa.
At ang kinakatakot ko. May gusto ang bestfriend ko sa nag-iistalk sa akin. Ayoko naman magkasira kami. Dahil lang sa isang lalaki. Pero hindi mo talaga masasabi ang mga mangyayari kaya kailangan mong makipagsapalaran.
Natatakot din akong mahulog sakanya dahil sabi ang humble niya at sobrang gwapo daw. Kaya ayoko ng mga lovelife na yan eh. Panira lang yan sa pagkakaibigan. Mabuti ng friendship na lang. Pero hindi talaga maiiwasan na may magkasiraan.
Pero hindi ko naman mapipigilan ang nararamdaman ko kapag nangyari na dahil kapag pinigilan mo lalo pang lumalala kaya sana wag talagang mangyari yun. Dahil nga magkakasira kami ng kaibigan ko. Hindi ko siya basta lang Kaibigan, halos Partners-in-Crime ko na siya.
A/N : HI GUUUUUUUUUYS! SO ETO ANG PINAKA UNANG FANFIC NAMIN (DARREN ESPANTO MEMES) AT SANA MAGUSTUHAN NYO PLEASE
SO HAHAHHAHA, GOODLUCK ANGELICA SA MGA MANGYAYARI SA MGA SUSUNOD NA CHAPTER
VOTE/COMMENT well appreciated!!! LOVE YAAAAAAAAAAAA