ANGELICA's POV
*PAKKKKKKK*
Watdafuk? sinong sumampal sa akin, ang sakit ng pisngi ko. Wait may naaalala ako, panaginip lang ba yung nangyari sa amin ni Darren? Pero parang totoo talaga eh. Natutulog ako sa panaginip ko pwede ba yun?
"Aray, sinong sumampal sakin?" Tanong ko, kahit dalawa lang kami sa kwarto na lang.
"Ah bby, ako sorry ah. Kasi nababangungot ka, tapos ayaw mo magising, kaya ayun ginawa ko kasi sa tingin ko baka dun magising ka." -Darren
"Alam mo ba yung napaginipan ko, nakikipagbreak ka daw sakin." Sabi ko kay Darren, parang nagulat naman yung mukha niya yung sinabi ko yun. May mali ba sa sinabi ko? Bakit nanlaki yung mata niya?
"Bby, ano tara? Usap na tayo sa baba, kanina pa bumaba sila Ave." Sabi niya, ay kakagising ko lang pala hindi pa ako naghihilamos baka sabog pa yung buhok at mukha ko.
"Mauna ka ng bumaba, pupunta lang ako sa Banyo ah." Sabi ko at tumango naman siya at lumabas na sa kwarto ko, sigurado akong pupunta na yun sa garden sa baba.
Pumunta ako sa Banyo, at tumingin sa salamin, Waaa, may muta pa ako. Loko loko talaga si Darren, hindi sinabi sa akin. Lagot talaga sakin yun pag-baba ko. Umuwi na kaya sila Jk o baka nasa baba pa yun at kumakain?
Bumaba na ako at dumiretso sa Garden, nakita ko siyang naka-upo sa upuan (syempre djk hahahha) at nakatingin siya sa malayo at mukhang malalim ang iniisip. Lumapit ako ng hindi niya alam at tinakpan ko yung mata niya.
"Tanggalin mo na yan, kilala na kita" sabi niya. Kilala daw ayaw naman sabihin yung pangalan. Kutusan ko talaga to eh. Syempre joke lang baka kutusan din ako ng Fans niya hahaha.
"Sino muna ako?" Sabi ko, ang sarap niya lang asarin hahahaha. Nakabusangot na kasi yung mukha niya, sorry na natatawa talaga ako.
"Bby, wag mo nga ako pinagloloko. Ikaw yan eh. Tanggalin mo na, tapos usap na tayo." Sabi niya, masyado naman 'tong seryoso, kutusan ko talaga si Darren, wag kayong magagalit sa akin ah. Pero syempre joke lang naman, mahal na mahal ko kaya to,
"Ahmm, sorry"sabi ko, parang galit kasi talaga siya sakin hindi ko naman alam kung bakit.
"Baliw ka talaga, hahahahaha hindi naman ako galit sayo ano ba?" sabi niya, Bipolar na talaga ata to, pabago bago ng mood. Dati hindi. Tumawa na lang din ako.