Walang sarili akong napadabog sa kwarto ko. Kasi naman eh...
Hindi ko alam na itratransfer na pala ako hindi naman ako inform edi sana na background check ko ang isang yun tsaka baka fraud o mudos ang school na yun. Like 3rd year nako oh?
Simula kasi nong iwan kami ni Papa para sa ibang pamilya nya hindi na kami ng stay sa isang lugar. Nahihirapan rin si Mama na buhayin kaming mag isa bakit kaya mo ba lima? Lahat kami walang tatay pero ayos naman ang mga relasyon namin sa isa't isa.
"Kira." Napaangat ang tingin ko kay Mama na ngayo'y nasa loob ng kwarto ko.
"Po?"
"Pasensyahan muna ha? Mas kaya ko kasi sa public lang nak hindi ni mama kaya sa private nak sorry." Ani nito na kina buntong hininga ko.
"Ma hindi naman basihan sakin private o public yung sakin lang iinform ako kasi gusto kong makita baka mamaya hindi maganda yung records ng school e wala akong matutunan diba? Sayang lang ang gastos mo?" Pag pupunto ko rito. Napangiti ito sakin ng maluwag mukhang ayos na ito sa sagot kasi yun naman talaga ang punto ko.
Si Kuya matatapos na sa kursong Law kasi yun talaga ang pangarap ng lahat sa kanya mukhang wala rin itong naiisip na kurso kaya ito nalang ang kinuha. Halos lahat saming mag kakaapatid matatalino. Dahil narin na iba't ibang tatay kami galing at dahil narin mga propesyonal ang mga yun.
Hindi ko naman masisisi si mama eh kapag tinamaan ka talaga di ka makakailag kasi di mo nakita malamang!
Ito kasi yun ha si Kuya at ako ay mag kapatid sa tatay man o sa nanay 100% mag ka dugo kami. Habang ang kambal syempre kambal mag kapatid sila sa tatay man o sa nanay pero kapatid namin sila sa nanay lang. Habang ang bunso ay iba yung tatay nya hindi ko alam kong sino pero naiiba sya sa lahat saamin. Tamad itong mag aral, mahilig sa itlog ,walang pakialam pero malambing kay Mama. Hindi ko alam kong na gets nyo yun.
Kinabukasan rin sinamahan ko si Mama puntahan ang paaralang sinasabi nya. Ako palang kasi ang Highschool kaya ako lang mag isa sa paaralang 'ta kaya nga kailangan ng background check tulad ng sabi ko.
Habang nasa Registration si Mama nag libo-libot muna ako sa paaralan para naman kapag pasukan na alam ko ang mga pasikut sikot. CNHS Claude National High School. Nice.
Sa private talaga ako noon pero ngayon kakaiba naman kasi public 'to sana lang maganda ang pag welcome nila sa mga rookies. Dami kaso mga balibalita na ang mga lalaki rito matinik kasi jowain pa naman ang mga taga ibang school na malapit. Hindi yata na kuntento sa mga mukha ng narito hayst. LDR is a must ganon?
Actually maganda at malawak yung school may floor rin ang room hanggang tatlo nga lang malilinis rin tulad ng ibang room sa private naka red floor rin sila. Halos kasi naka tiles na sa private kaya medyo rare na don red floor.
Pero sana lang parang school nila ang istudyante. Mga mababait.
NGAYON ay simula na ng pasokan parang kailan lang nandito ako para mag pa register noon ah? Huminga ako ng malalim bago pumasok sa gate mukhang nagtataka ang ibang istudyante sa bagong mukha ko. Hindi na yun bago sakin palagi naman kasi akong NPS (no permanent school). Maaga pa naman hinanap ko na ang room ko pumunta ako dun sa 3rd years building lahat ng entrance door may bond paper dun na nakalagay ang pangalan ng istudyante. Ang section ng theme ngayon ay Periods. Classical, Medieval, Baroque , Renaissance, at Greek.
Nasa Section C ako which is Classical kung ang C=A (Classical=SectionA) M=B , B=C , R=D and G=E. Like mathematical terms. Gets nyo? Ang section namin ay tinatawag na C dahil sa capital letter ng period kaya C kasi Classical. Sana ayos pa utak nyo.
BINABASA MO ANG
TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)
Teen FictionTeenage Series #1 (On-Hold) Math and numbers cracks Gio's head but what if the heart starts cracking ? Can a simple math can solve it? Giovanni Rave Vertudazo Kira Denise Llanes (Credits to the rightful owner of the photo.)