CHAPTER 15

30 8 0
                                    

"Gio parang tanga ka, nakangiti mag-isa kulang nalang laway e,"asar ko rito, tumawa naman ito sakin at inakbayan ako kasabay ginaya sa canteen. Nagtataka talaga ako minsan sa mga pinag gagawa nito, ang weird rin minsan tsk abnoy talaga.


"Malapit na pala Sci-Math month 'no?"biglang sabi ni Gio mukhang ngayon lang napansin. Di yata nakikinig ang isang 'to kakasabi lang ni ma'am kanina na gagawa ng project na kahit ano basta recycle. Abnoy rin si ma'am 'no? Sabi nya kahit ano pero recycle?


"May project tayo tanga."sabi ko naman mabilis naman ito napatingin sakin na parang hindi nya alam at ngayon lang nya nalaman.


"Huh?! Talaga!?" Sabi ko na eh. Gulat na tanong nito na kinatango ko lang, ayan kasi di nakikinig.


"Ano daw?!"sigaw nito na kina takip ko ng tenga, ang lakas ngboses ng bobong 'to. Maka bobo naman ako parang ang talino ko hehe.


"Wag ka ngang sumigaw di ako bingi, speaker ka?!"inis na anas ko rito.


"Ano ngaaa"bulong naman nito na hindi kona halos marinig, abnoy talaga kahit kailan.


"Recycle daw, kahit ano, kahit ano basta gawa sa recycle materials."sabi ko tumango tango naman ito. Kaka 4th year palang namin pero kaklase ko parin si Gio, akalain mo yun tumagal ako sa school na'to. Hindi nga ako makapaniwala na kaklase ko ang bugok na 'to pero mabuti na rin yun kasi hindi ko kaklase si Gina ngayong taon. Mas mabuti ng may kilala, tsaka may tiwala naman ako kay Gio minsan lang hindi. Ngayon matatwag ko nang best friend itong si GIo dahil sa isang taon na naman mag kaibigan. Abnoy prin ito hanggang ngayon , tulad noon hindi na ako naiilang rito, vocal na rin kami halos , tsaka kahit masasakit na salita na ang tawag namin sa isa't isa wala lang samin.


Ang weird talaga ng mundo itong abnoy pa naging best friend ko.


"Ahh hindi naman pala mahirap eh." maang maangan na sabi nito para bang hindi kinabahan kanina.


"Kinabahan ka 'no?"asar ko, tumingin naman ito sakin na para bang hindi makapaniwala.


"Kabado bente."ani nito sabay pakita sakin kung pano ang bento sa kamay , tinawanan ko lang ito, hindi parin nag bago ang abnoy. Nang makarating kami sa canteen sakto naman kaming sinalubong nina Gina kasama sina Tiffany , Fiori at Alex tulad ng dati ang kaibahan ay wala si Javen ngayon hindi na talaga namin nakikita sina GIna at Javen na mag kasama, hindi ko alam ang nangyari hindi na rin namin tinanong mukhang ayaw nya rin pag usapan.


Umupo kami sa dating pwesto halos hindi na yun inuupan ng mga bagong istudyante kasi kilala na kami dun nakaupo, ewan ko rin mukhang nasanay na sila samin, hindi naman kami ganon ka sikat. Hindi pala ako yung mga kasama ko pala ang mga sikat tss. Hindi nga ako makapaniwala isang president pala ito si Gio sa isang club tapos kailan ko lang nalaman.


Ito naman si Gina mukhang kina-reer na talaga ang pagiging SSG sa campus, ngayon secretary na , ito naman si Fiori kilala sa volleybal team ,sanaol 'no? Ako walang club akong pinasukan, gusto ko nga pumasok sa math club kaso hindi naman ako officers, at sigurado hindi ako mananalo, kaya uupo nalang ako sa upuan ko at mag-aaral ng normal. Ito naman si Alex dancer pala ang isang 'to hindi lang halata kasi ang inggay nya pa kaysa sa history teacher namin.

TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon