Nagkaroon ng top 10 agad-agad, walang top 20 dahil masyado kasing marami ang contestants. Syempre kabado, ang ganda rin ng get up nina Gina at Javen.
Nasa girls category muna daw. Kinakabahan ako sa sarili ko at pati narin kay Gio. Walang sarili napasulyap ako rito, sakto naman nag tama ang mga mata namin. Nginitian ako nito ng tipid bago ko nilihis ang paningin sa harap ganon rin ito.
"Gillan Natalie Quin! From 10 Emerald!" Lalong lumakas ang hiyawan ng mga kaklase ni Gina ng makapasok ito sa top 10. Meron ng g-10 malabo kana makapasok sa top 10 kapag may grade level na napili na kalaban mo. Imposible na to sakin. Sulit naman, kahit nakakaba masaya naman ako.
Hanggang na kumpleto na nga ang top 10 ng girls category. Hindi ako kasali dun. Medyo nakakalungkot syempre. Pero masaya naman ako na naka sali si Gio sa top 10 sa boys.
"Okay lang yan Kira, may susunod pa naman."pakikiramay sakin ni Glenn. Kaklase kong bakla. Naroon silang lahat para damayan ako. Mas lalo sumasama ang pakiramdaman ko dahil pinapaalala nila.
"Ayos lang ako, i-cheer nalang natin si Gio, mananalo yun, sure ako." Sabi ko, mukhang sumangayon naman ang mga ito. Nang lumabas na ito para manuod kay Gio ako naman nanatili sa loob at tinatanggal ang kulorete sa mukha.
"Okay ka lang girl?" Napaangat ang gawi ko sa boses ni Mamo. Nakatingin ito sakin parang nalulungkot. Tumango naman ako.
"Okay lang yan, first-time mo palang 'to. Ako nga never pa nanalo." Pag-cheer up sakin ni Mamo.
"Ayos lang ako, medyo malagkit lang ang mukha ko."wika ko rito. Ngumiti pa ng pilit sa harapan nito.
"Okay, sabi mo e."
Nang matapos ako dun ay nag bihis narin ako ng damit. Naka kulot parin ang buhok ko dahil yata sa hairspray ni Mamo. Tanging sinuot ko na lamang yung crop top at cargo pants. Wala akong ibang damit.
Mostly bawal yung crop top sa dress code ng school pero wala akong choice. Tsaka ngayon lang naman 'to. Di naman siguro ako mapapansin.
Bago pa ako maka labas ng pumasok si Gio. Agad ito lumapit sakin at hinawakan ang mag kabilang pisngi ko. Nilinga linga nya pa ang mukha ko parang may hinahanap. I groaned at his face.
Binitawan naman nito ang mukha ko mukhang nakahinga ng maluwag.
"Ayos ka kalang?"Alalang tanong nito sakin.
"Lahat kayo yan ang tanong, kaya pa nga kitang hampasin ng upuan e. Tapos tatanongin mo ko kung ayos lang ako? Tsk."kunwaring asik ko rito.
"Sigurado ka?" "Oo nga kulit."
"Magbibihis ka pa ba?"tanong ko rito, umiling naman ito at kinuha ang tumbler na baon sa bag at uminom non.
"Galingan mo ha? Manalo ka para sakin. Kung hindi sisirain ko ang ginawa mong camera sa kwarto mo."banta ko rito, natawa naman ito. Napatitig ako sa mukha nito bago bumuntong hininga. Gwapo talaga.
"Naii-stress kana ba sa kagwapohan ko Denise?"mayabang na sabi nito.
Inirapan ko ito. "Asa! Kapangetan 'ka mo."
"Sos, deny pa."tudyo nito, inikotan ko lang ng mata. Tama ito maamo talaga ang mukha ni Gio halatang may lahi. Pero hindi amerikano, singkit ang mata nito. Masasabi kong nasa Japanese, Chinese o di kaya Korean ang lalaking 'to. May kaputian rin pero hindi maputi. Gets mo?
BINABASA MO ANG
TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)
Novela JuvenilTeenage Series #1 (On-Hold) Math and numbers cracks Gio's head but what if the heart starts cracking ? Can a simple math can solve it? Giovanni Rave Vertudazo Kira Denise Llanes (Credits to the rightful owner of the photo.)