CHAPTER 16

28 9 0
                                    

"Kasalanan mo talaga!"sabi ko at hinagis ang sapatos ko kay Gio tumawa naman ito at sinalo yun, kasaluyang pauwi na akmi ngunit hindi ko parin makalimutan ang nangyari kaniya kung saan naging kandidata ako sa pesteng pageant na yun!


"Oh chill Denise... kaya mo naman yan ikaw pa."ani nito sinamaan ko naman ito ng tingin.


"Pano kong science mabunot ko ha?! Ihahagis ko talaga sayo sapatos ko kapag nag kataon."asik ko rito na tinawan lang ako kahit kailan talaga kaasar ang lalaking 'to.


"Alam mo Gio ba't di ka nalang mag kajowa para naman tumino ka."sabi ko pa mukhang natigilan naman ito at tumingin sakin ng matiim at he spaced out. Nalutang ang gago nag iisip yata sa ideal nya. Pinag laruan ko ang buhok nito mukhang lutang parin nangunot ang noo ko, nangyari dun? Napaisip ba sya?


Napatingin ako sa daan napakurap ako ng may nakita akong bato dun, napangiti ako ng may naisip akong kagaguhan. Kumuha ako ng bato at mahinang inilagay yun sa bag ni Gio, napapangiti ako kapag inaayos ng ang bag nya, mukhang bumibigat na.


Parang tanga akong tumatawa ng mag isa, ayan kasi lutang pa more.


"Gio, ayos kalang?"maangan kong sabi napakurap naman ito at tumingin sa mukha ko at tumango, ang weird talaga ng lalaking 'to.


"Denise may crush kana ba na tumagal o kaclose mo?"biglang tanong nito... parang wala naman ganon.


"Wala pa naman, ikaw? teka ba't mo natanong?"usisa ko umiling agad ito.


"Wala tinanong ko lang baka kasi ,baka lang naman..."misteryosong sabi nito hindi ko nalang pinasin, mahilig talaga magtanong si Gio sa mga ganong bagay tulad ng 'may nagustohan kana ba?' o di kaya 'may bestfreind ka bang naging crush mo?' diba? halos hindi na bago sakin yun.


Sa dami ng kaibigan ni Gio siguro mag crush itong di nya mailabas ang nararamdaman nya o di kaya ayaw nyang masira ang friendship nilang dalawa ni ate Girl. Di kona problema yun tssk.


"Gio sa tingin kaya ko yang pageant na yan?"tanong ko bigla sa gitna ng katahimikan huminto naman ito sa paglalakad at tinignan.


"Oo naman nakikita kona ang future sayo eh, alam ko na."birong sabi nito sumama naman ang mukha ko na kinatawa nito lalo. Hindi ako makapaniwala 4th year na ang isang 'to pero isip bata.


"Alam mo Denise ang boring ng buhay kapag hindi ka nahihirapan." ani nito natawa naman ako sa sinabi nito. Mapoint sya so far.


"Baka nga hindi ka makapasok sa top 5 question and answer agad ang iniisip mo tsk."asik pa nito na kina nguso ko. Oo nga ang feeler ko naman masyado hindi nga ako sumasali ng pageants bakit q&a agad ang iniisip ko?


"Dapat diba recycle ang damit natin diba?"tanong ko rito tumang naman ito.


"Saan tayo gagawa ungas?"tanong ko ulit.


"Sa kwarto ko."hinampas ko agad ito, napaigik naman ito, alam kong hindi kami matatapos kapag nasa kwarto nya ako kasi manunood lang kming dalawa ko mg lalaro o di kaya kakain lang ng kakain. O diba walang kwenta?

TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon