"Denise," I hummed for response. Hinahaplos ko ang buhok ko nito kasalukuyan ay nanunood kami sa kwarto nito bukas lang ng kunti ang pintuan. Baka may gawin na naman si Gio. Pasaway pa naman ito masyado.
"Hindi kaba pagod?" Tanong nito. Nagtaka ko naman itong tinignan.
"Pagod saan?"I asked.
"Palagi ka kasing tumatakbo sa utak ko e. Kaya tinatanong kita kong pagod ka ba." Napakurap naman ako at ngumuso pinigilang ngumiti sa pinag sasabi nito. Corny pero bakit benta sakin?
He chuckled the moment I smiled. "Pesti ka! Ang corny mo alam mo yun??"
"Atleast napangiti kita. Benta kaya sayo yiee."
Corny talaga.
AGAD KAMING napatingin ni Gio sa bagong dating, kahapon ay nakauwi na si Ate Yasmin. Nagtaka naman kami ng makitang namomoroblema ang mga mukha nito. Nauna nang nag tanong ito si Gio mukhang napansin niya rin na hindi mapakali ang mga magulang nito.
"Ma, ayos lang kayo?" Tahimik ako at hinawakan lang ang kamay ni Gio at marahan na pinipisil yun. Napangiwi naman si Tito Ysmar sa tanong ni Gio.
"Pupunta raw sina Opelia rito, baka anong gawin gigilitan ko talaga ang babaeng yun."galit na wika ni Tita Reva. Hindi ko kilala sa personal itong si Opelia. Nabanggit na yun sakin ni Gio na ina niya daw. Biological lang naman.
Narinig namin ang pag dating ng sasakyan sa harapan ng bahay nina Gio. Lumabas sina Tita para salubongin ang bagong dating.
Napakurap ako nang makita ang magandang babae na may kaedaran na rin at kasama nito ang asawa nito. He don't look like Gio at all. Siya ba ang tatay ni Gio? Parang hindi naman. Wala namang chinito sa bagong dating e. Chinito si Gio masisiguro kong may lahing intsik ito. Kung ako lang yun?
"Thank you Reva for allowing to see my son."melodramatic na wika ng babae. I guess she's Opelia. Kimi naman na ngumiti itong si Tita Reva. Alam kong nag ngingitngit na ito sa galit.
"You insisted Opelia."walang emosyong sabad ni Tito Ysmar. Napatingin naman yung Opelia kay Tito at tinignan ito mula ulo hanggang paa. Tahimik lamang kami ni Gio na nanunood sa mga ito.
Nagtama naman ang paningin namin ni Ginang Opelia. Nangunot ang noo nito parang kinikilala ako.
"You must be Yasmin? Daughter of Reva? Hmm, hindi kayo ka mukha ni Reva so as Ysmar." Lihim ako napangiwi, pinagkamalan pa na kapatid.
"Ahm, hindi po ako si Ate Yasmin."Magalang na wika ko, naka-gets naman ito agad. Her lips form 'o' as understatement.
"She's my girlfriend, Kira Denise." Pakilala sakin ni Gio, umangat naman ang kilay ng Opelia mukhang ayaw niya sa pandinig yun. She looked at me from head to toe.
"Your features look familiar, or it just me." Singit ng lalaking kasama nito. "And what is that? Kyatton?" Takang tanong ng Opelia sa kasama o asawa.
"Of course, Kyatton you do. She's Karina's daughter your bestfriend Kyatton." Napakurap pa ako sa sinabi ni Tita Reva. Talaga bestfriend 'to ni Mama? Parang ang gwapo naman para maging bestfriend 'to.
He smiled at me and looking from head to toe. "That's why."
"Karina Llanes? Oh."parang umasim naman ang mukha nitong ng Opelia sa narinig. Pinaglihi siguro sa sama ng loob itong si Gng. Opelia, mabuti nalang hindi ni Gio namana yun.
"Pasok na tayo, umiinit na ang araw."suwisyon ni Tito Ysmar. Agad naman yun sinang-ayonan ng iba. Nang makapasok ay sabay kaming pumunta ni Gio sa kusina para gumawa ng juice na iinumin nila.
BINABASA MO ANG
TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)
Teen FictionTeenage Series #1 (On-Hold) Math and numbers cracks Gio's head but what if the heart starts cracking ? Can a simple math can solve it? Giovanni Rave Vertudazo Kira Denise Llanes (Credits to the rightful owner of the photo.)