CHAPTER 2

94 13 0
                                    

Ilang araw na rin medyo lumalakas na ang ingay ng room mukhang nagiging kumportable na ang lahat. Sabi nila gano raw ka tahimik ang room ganon rin ito kainggay mukhang nasa tamang classroom ako. Tulad ng nakasanayan ay kapag kaklase ka nila tatawagin ka sa apelyido mo. 'LLANES' yung tawag nila sakin medyo kakaiba pero ganon talaga.

"Denise may papel ka?" Nagtaka naman ako sa tawag nito dahil walang tumatawag sakin ng ganon Kira talaga hindi Denise. Inanggat ko ang tingin ko si Vertudazo nasa harapang upuan ko lang ito.

"Meron bakit?" Tanong ko rito.

"Hinge." Ani nito na ngumuso pa sumama naman ang mukha sa itsura nito.

"Walang ka bang papel?" Tanong ko. Naalala ko kasi may papel sya eh ba't sya humihingi?

"Meron."

"Meron naman pala eh ba't ka humihingi tsk." Asik ko rito.

"Eiii pahinge isa lang kailangan ko papel mo ang ganda kasi ng quality eh." Pag kukulit nito napakamot naman ako sa ulo ko ng naiinis at binigyan ito ng tatlo.

Baka humingi pa eh mukhang makapal kasi ang mukha ng isang 'to.

"Ba't tatlo?"

"Baka humingi kapa eh." Sagot ko sa tanong nito.

"Ah kala ko iloveyou mabuti hindi kasi ayoko sa speed." Na lukot naman ang mukha sa sinabi nito. Gusto kong mang hampas kaso baka mapatay ko to sa lakas ng mapas ko. Ganon ako kala humapas ng upuan masakit talaga yun kala mo kamay 'no? Hindi ako humahampas gamit ang kamay its bad to hurt others you know?

"Nga pala Vertudazo." Tawag ko sa atensyon nito. ICL kasi namin ngayon kaya walang guro.

"Vertudazo." Tawag ko rito ngunit hindi pa rin ito tumingin sakin o sumagot man lang.

"Vertudazo hoy!" Sabay kalabit ko rito.

"Ano ba babe mamaya muna ako landiin nag susulat pa ko eh." Sagot nito na hindi ko nagustuhan. Kinuha ko ang notebook ko at hinampas ko yun sa kanya napaiigik naman ito sa sakit ng ginawa ko. Babe ka dyan! Mukha mo!

Hindi talaga ako nang hahampas pero ngayon binabawi ko na.

"Ang sakit 'non Denise ba't ba?" Tanong nito na sya pa ang galit tsk abnormal.

"May sasabihin ako di ka nakikinig e"

"Edi wow." Pamimilosopo nito sakin inanggat ko agad ang kamay na may hawak na notebook at umaktong hahampasin ito.

"Oh oh FOUL!" Depensa nito.

"Ano ba kasi yun." Tanong nito.

"Wag mo kong tawagin Denise ang weird." Sabi ko at binaba ang note book binalik yun sa armchair ko.

"Bagay kaya sayo pangalan mong Denise eh." Sungot nito.

"Ang weird nga kasi!" Sabi ko rito ng naiinis.

"Kaya nga bagay e." Ani nito na ngumisi pa nandidilim paningin ko rito tang*na 'to ah?! Sinipa ko ang ilalim ng upuan nito dahilan para umabante ito tumawa naman ito.

"Gio tigilan mo nga yan." Sabi ng katabi nito ngumuso naman si Vertudazo.

"Gio si Kira ang biktima mo ngayong year?" Biglang salita ni Gina na tanong kay Vertudazo. Gio pala pangalan ng isang 'to pero di naman kami close kaya Vertudazo parin ang tawag ko sa kanya.

"Tinawag ko lang naman sya ng Denise ah? Masama dun?" Painosente tanong rito.

"Ang weird nga." Inis na punto ko rito. Pag tinatawag nga akong Denise parang ibang tao yun eh.

TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon