CHAPTER 23

28 7 0
                                    

"Goodluck Kira..."sumama ang mukha ako sa lalaking nag sabi non kay Denise. Ano ulit pangalan ng lalaking 'to? Jekkon? Tsk. Close ba sila?

"Salamat, sana nga."nakangiti na tugon ni Denise, napanguso pa ako. Kailangan talaga naka ngiti?

"Bati na pala kayo?"tumingin ang lalaki sakin. Pake nya ba?

"Oo, bakit?"taray ko rito, siniko pa ako ni Denise na kinaigik ko.

"Bakit?"bulong ko rito.

"Umayos ka."asik nito sakin hindi ko lang pinansin. Nakangiti sya sa lalaking yun habang ako araw-araw nyang tinatarayan tss. Favoritism.

Walang gana kong tinignan ang lalake, gwapo naman ito, presko rin ang mukha, pero mas gwapo ako.

"Hindi mo pala sinabi Kira na medyo maangas bestfriend mo..."napintig ang tenga ko.

Maangas ba? Sana natakot ka.

"Ah-hehe, ganyan lang talaga yan."

Psh.

"Mag-tanong kalang sakin ha? Pag may hindi ka na gets na question baka malay mo yun mabunot mo sa pageant."sabi ni Jekkon.

Tumawa pa si Denise. Aba?!

"Ayos na ako, andito naman si Gio e."napangiti ako sa sinabi nito. Okay naman pala e, mas matalino pa ako dyan. Tch.

Tinignan ako ng lalaki, tinaasan ko ito ng kilay at walang emosyong mukhang ang pina-halita rito. Alanganin pa ito tumawa ng makita ang titig ko rito. Talagang kabahan ka pre.

"Sige, ba-bye na Kira, sa susunod."anito.

"Walang susunod!"Sigaw ko, tumakbo na kasi ito. Napasulyap naman ako kay Denise, tinignan ako nito ng masama na kinangiwi ko. Ano na naman kaya 'to? Wala akong ginawang masama 'no.

"Ang ayos mo talaga kausap 'no?"asik nito sakin, napakamot ako sa batok.

"Maayos naman yun ah?"maang-maangan ko.

"Mukha mo!"

Katahimikan ang bumalot samin, nag tatambay kami ngayun sa parke. Hinihintay namin ang mga kaklase para mag-practice ng walk at kung ano-ano pang preparation.

"Sa tingin mo mananalo ako?"biglang tanong nito.

"Oo naman, tiwala lang."

Huminga ito ng malalim at tumingin sa langit na nagiging dilaw na.

"Pa'no kung hindi? Hayst. Nakaka-pressure naman Gio!"Frustrated na anito.

Tumawa ako at bilingan ito na may seryosong awra. "Manalo, matalo ikaw parin bebe ko."

"Corny mo naman e! Di ka nakaka-tuwa."reklamo nito na pinag hahampas ako. Tumawa pa ako dahil sa pag ka lukot ng mukha nito.

"Aray ko naman, mapanakit ka talaga." Inikotan lang ako nito ng mata. Tsk. Atitod amp.

"Pero seryoso Denise, ayos lang matalo ka atleast diba may ginawa ka o di kaya nag effort ka?"

Nangunot ang noo nito, "diba sabi nila mas masakit kapag pinag-effort-tan mo."

"Hmm, masakit, pero sulit naman diba?" Tumango-tango pa ito bilang pag sang-ayon.

"Pero sabi rin nila, yung saan pa yung masakit dun kapa mas sumaya..." dagdag ko.

TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon