CHAPTER 24

24 7 2
                                    

"Candidate number 18!" Huminga ako ng malalim ng natawag na ang pangalan ko. Nag simula akong lumakad papuntang stage tulad ng turo sakin.

Sigawan ng mga istudyante ang aking naririnig, ngumiti ako sa mga ito at tulad ng rehearsal ay ganon ang aking ginawa.

"Go Kira!"

"Kira!"

Halos naririnig ko na ang tibok ng puso ko sa kaba. Huminto ako sa harapan ng mic. At huminga ng malalim bago ngumiti ulit.

"Kira Denise Llanes, 10 Sapphire!" Sigaw ko. Mas lalo nag sigawan ang mga istudyante sa pakilala ko. Nang natapos ako ay deritso exist agad.

"Putangina..."malutong na mura ko. Natawa naman si Gio sa itsura ko, tinignan ko ito ng masama. Agad nitong itinaas ang kamay.

"Ang init mo dun Denise."anito inangat angat pa ang kilay, nalukot ang mukha ko. Halos mahimatay ako sa kaba dun tapos yan lang ang sasabihin nya.

"Anong init? Pinagsasabi mo?"asik ko.

"Init, hot." Napakurap ako sa sinabi nito. Talaga? Hot ako?

"Mahihimatay ako sa kaba, Gio." I honestly said. Ngumiti ito sakin parang sinasabi na 'relax ka lang'. I relaxed at the moment.

"Goodluck," Ani ko rito, ngumiti naman ito sakin ng mapaglaro. Abnoy. Nang matapos ang lahat ng kababaihan. Nag hintay kami hanggang tinawag na ang numero ni Gio. Hindi naman ako si Gio pero kinakabahan ako para sa kanya.

"Go, Gio!"Sigaw ko, tumawa pa sa huli ng tumingin ito sakin. Malakas rin ang x-factor nito sa audience, medyo famous pala ang dimuho.

Natapos ang introduction, nagbihis naman agad kami para sa sports wear. Basketball yung samin, wala kaming maisip na laro ni Gio. May alam naman ako sa basketball, mag kasundo nga kami dun. May pri-nactice pa nga kaming dribble para daw may appeal ang sports wear namin. Tsaka balita ko ring Tennis ang kina-Javin at Gina. Sigurado akong patok rin yun, kinakabahan rin ako.

"Naks naman yan, saan play haha."biro ni Mamo, natawa naman si Gio at inayos ang headband ko na nasa noo. Ewan ko kung para saan yun, style?

Meron ring mga pinaglalagay si Gio sa siko at tuhod at pareho kaming naka-jersey, puro kay Gio ang jersey. Bagay naman daw sakin kaya ayos sakin suotin ko.

"Wow naman, mag asawa ba kayo? Pareho VERTUDAZO ang nakalagay sa likod oh?." Hinawakan pa ni Mamo ang likuran ko kung nasan ang apelyido nito.

"Malapit na?"siniko ko si Gio sa pinagsasabi nito. Psh. Malapit ka dyan! Narinig ko ang hikhik ni Mamo, ang landi talaga.

"Hoy! 18 next na kayo."imporma samin ng SSG na nag-assist. Tumango naman kami ng sabay. Huminga ako ng malalim. Sana di ako sumablay sa dribble mamaya. Sana...

"Candidate number 18, Kira Denise Llanes and Giovanni Rave Vertudazo from 10 Sapphire!" Sigaw ng mga istudyante ang naririnig ko, halos rinig ko na rin ang tibok ng puso ko sa kaba. Ngumiti ako at ginawa ang walk na pri-nactice namin. Seninyasan ako ni Gio na gawin na namin ang dribble. Tumango naman ako at huminga ng malalim.


Mas lalo ang sigawan ng mga istudyante ng mag-dribble na kaming dalawa. Ang hirap ng trick na yun pero worth it kasi ang ganda ng kinalabasan.

"Woah!"

"Galing!"

"Kira! Gio!" "10 Sapphire let's go!"

Ginawa namin ang trick na hinanda namin yun ang mag switch balls. Mahirap yun lalo na amateur lang ako sa tricks ng dribbling. Pero mabilis naman ako natuto lalo na magaling mag turo ang dimuhong 'to.

"Again 10 Sapphire!" Sabi ng emcee bago kami nag-exit ni Gio.

"Mama..."halos naiiyak kong sabi. Hindi ko talaga kaya ang kaba. Parang nilalamon ako. Tumawa ito sa mukha ko, inirapan ko ito, sakto naman namataan namin sina Javen at Gina. Mukhang ready na ang mga 'to. Pag katapos ng Ruby sila na kung saan Diamond.

"Ang galing.... talo na kami."pabirong sabi ni Gina. Hindi ko magawang tumawa dahil sa hinding humuhupang kaba sa katawan ko.

"Denise, ayos kalang?"tanong sakin ni Gio, tumango ako na medyo lutang pa sa nangyayari. Shit! Mamatay ako rito ng maaga. Ano ba kasi pumasok sa isip ko na pumasok sa sitwasyon na 'to?!

"Pero wag parin kayo umasa, mananalo parin ang gwapo."yabang na sabi ni Javen, tinaasan ko ito ng kilay.

"Lakas naman pala ng hangin rito." sabay na sabi namin ni Gio.

"Totoong gwapo ako ungas."asik ni Javen samin. Hindi na namin pinansin ito at pumunta kami sa station namin. Naroon naman si Mamo, naroon rin sina Mama at Mama't Papa ni Gio.

"Ma." Tawag namin ni Gio sa nanay namin, nginitian lamang ako ni Mama at pinalapit rito.

"Dalaga mo naman tignan, Kira anak." tatawang wika nito, natawa a naman uli ito ng pabiro akong sumimangot.

"Hi, hijo."bati ni mama sa gawi ni Gio. Kailan pa sila close?

"Hello po tita, musta?" Kaswal na bati ni Gio sa ina ko. Wow.

"Napaka-ganda mo naman Kira..."manghang sabi ng ina ni Gio. Iniwasan kong mamula sa sinabi nito, hindi yata ako sanay na binabati ng ganyan.

"O diba maganda ka Denise, ayaw maniwala." Asik sakin ni Gio sa harapan ng mga magulang namin. Gago, ang daldal.

"Close pala kayo?"natatawa sabi ng ina ko kay Gio.

"Ah, Opo." Bait naman. Parang hindi pala mura.

"Ako nga pala si Karina, ina ng batang 'to." Pakilala ni mama sa magulang ni Gio. Tinanggap naman ng ina ni Gio ang kamay ng ina ko.

"Reva, ito naman ang asawa ko si Ysmar." Pakilala pabalik ng ina ni Gio. Nako naging family day na 'to.

"Si ate, Pa?"tatakang tanong ni Gio, Oo nga di ko na nakikita si ate Yasmin. "Nasa kina-Frets." Sagot ng mama ni Gio. Ows.

"Ay! Mag bihis na kayo ng recycled dali!"putol sa usapan namin. Agad naman kami tumilma, tinulungan na ako ni Tita Reva at ni Mama ganon rin si Mamo.

"Ay ang ganda naman pala ng gown mo beh, sino may gawa?" "Si Glenn at Harish ho." Sagot ko. Tama nga ito maganda ng ang naging kalabasan ng gown lalo na may team work pa yun. Ganon rin ang recycled suit ni Gio. Para kaming a-attend ng ball. Lakas ng dating. White gold ang theme. White sa taas at rose gold sa baba.

"Laki siguro ng budget nyo?" Tumango naman ako, mabuti nalang may budget kami galing sa fines ng penalty sa room.


"Kaya ba? Mabigat?" Tanong nito. Umiling ako ako, at umupo dahil mag re-retouch daw ng makeup.

"Ayan, ikaw na si Gold queen."biro nito. Napatingin naman ako kay Gio, parang ang gwapo nya ngayon ah?

"Picture muna."wika ni Mama. Hindi na kami naka-hindi, unang picture ay kaming dalawa ni Gio, habang akbay ako nito. Pangalawa naman ay naroon na ang magulang namin. At ang huli ay nasa bewang ko ang mga kamay nito habang naka tingin ako sa kanya ng naka ngiti.

"Naks, lakas maka lizquen."biro ni Mamo. Natawa pa kami ni Gio. Kailangan ko ng copy non.

"10 Sapphire! Kira Denise Llanes!" Tawag sa pangalan ko, agad akong ngumiti sa audience at ginawa ang walk ng swabe. May pag kamangha sa mga mukha nito, hindi ko na magawang makita yun dahil masyado fucos ako sa walk at pag ngiti.


Maya-maya naman si Gio na, naroon parin ang crowd malakas ang impact nito lalo na sa kababaihan. Gwapo naman talaga ngayon si Gio. Hanggang dalawa na kaming nag walk, inaalalayan ako nito. Nakangiti ito ng matipid, hindi ko tuloy maiwasang bumulong.


"Gwapo naman ng Gio ko...."












-K.

TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon